Wednesday , June 24 2026
Celesst Mar

Pinay-Hawaiian singer Celesst Mar mala-Mariah Carey ang tinig at hitsura

ISANG bagong pangalan ang ipinakilala sa music scene—si Celesst Mar, 26, isang Pinay-Hawaiian singer na ipinanganak at lumaki sa Hawaii. 

Tubong Tarlac ang kanyang ina habang Amerikano naman ang kanyang ama. Matagal nang hilig kumanta si Celesst, simula pa high school, ngunit late bloomer siya pagdating sa profesional na recording dahil nitong 2024 lang niya seryosong sinimulan ang music career sa Pilipinas.

Kahapon, December 10, 2025, ginanap ang masayang Listening Party ng kanyang kauna-unahang full album na Fawn sa Asian Pandan Café, na ipinakilala ang kanyang tunog na halong R&B, alternative, at pop. Kabilang dito ang kanyang debut single na Your Act gayundin ang espesyal na Christmas track na Holy Night.

Kilala si Celesst sa pagsusulat ng sarili niyang mga kanta, at ang buong album ay kwento ng emosyon, pag-ibig, sakit, denial, galit, at pagharap sa katotohanan.

Bukod sa pagiging singer-songwriter, nakapagtapos si Celesst ng Communication at Political Science at ngayon ay college professor, patunay na hindi lamang talento ang baon niya kundi talino rin. Pero kahit abala sa akademya, hindi nawawala ang hilig niya sa musika at sa dagat. Isa siyang Pisces, at natural ang pagkahilig niya sa karagatan. Mahilig din siyang mag-freedive.

May pagkakahawig ang boses ni Celesst kay Mariah Carey gayundin sa looks. Kahit bata pa at makabagong artist, lumaki si Celesst na hinahangaan sina Sharon Cuneta at Aegis

 Sinabi rin ni Celesst na gusto niyang subukan ang pagsali sa singing contest na The Voice at kung may chance siyang ma-interview, pangarap niyang makaharap ang idolo niyang si Boy Abunda.

Sa ngayon, unti-unting lumalawak ang fanbase ni Celesst dahil sa kanyang social media posts at sa kanyang kakaibang musical identity. At ngayong tuluyang inilunsad ang Fawn, malinaw na mas handa na siyang ipakita kung sino siya bilang artist—isang Pinay-Hawaiian na may puso, lalim, at tinig na kayang makipagsabayan sa pinakamahuhusay na singer. (Allan Sancon)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …

Mister and Miss Lipa 2026

Pambato ng Brgy Sampaguita at Tambo wagi sa Mister & Miss Lipa Tourism 2026

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KLIMA. Mayamang pamana. Mamamayan ng Lipa. Biyaya. Pagtitiwala. Layunin. Ilan ito …

Rufina Villena Gelston

Rufina Villena Gelston, sasabak sa tatlong movies sa Inding-Indie Film

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INILUNGSAD ng Inding Indie Film ang isa sa kanilang bagong proyekto …

Ruben Maria Soriquez

Ruben Soriquez waging Best Actor, “Sin Preguntas Sin Mas” titulo ng kanyang new album

MARAMING blessings ngayon ang Filipino-Italian actor/director/singer na si Ruben Maria Soriquez. Bukod sa pagganap sa mahalagang papel sa …