Wednesday , June 24 2026
Art Halili MCarsPH Jed Manalang Josh Mojica

Direk Art Halili  endorser na agent pa ng MCarsPH

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYANG-MASAYA ang isa sa sought after endorser sa Pilipinas na si Direk Art Halili sa pagiging part ng pamilya ng MCarsPH.

Sa launching ng MCars PH ng kanilang kauna-unahang multi-level automotive sales program na Elite Agent Platform na makapagko-connect sa mga nais bumili ng sasakyan ay ibinahagi ni  Art ang kanyang experience bilang endorser nito.  

Iba ‘yung experience ko bilang ambassador and sales agent at the same time ng MCarsPH. First time ko maka-experience na makasakay sa luxurious cars. 

“So lahat-lahat ng mamahalin nilang sasakyan ay ipapa-experience nila sa ‘yo.

“And ang maganda rito  kaming mga endorser puwedeng maging agent, puwede kaming kumita.

“’Yun ‘yung nakatutuwa, kasi endorser ka na, kumikita ka pa. ‘Yung iba kasing endprser after mabayaran wala na, ‘yun na ‘yun. Sa MCarsPH  tinutulungan nila ang kanilang endorsers na kumita,” pagbabahagi pa ni Art.

Ang McarsPH ang nangungunang car dealership dito sa Pilipinas with one day process, same day release, bank approval para sa mga hulugan o rent to own na sasakyan.

Ayon naman kay Jed Manalang, CEO and founder ng  MCarsPH, “Ang kailangan lang nila basic lang – two valid IDs, proof of billing, at proof of income.

“Kailangan lang nilang patunayan na lehitimo sila sa kanilang address at capable silang magbayad ng monthly, at approve na sila sa McarsPH.

 “Dito sa ini-launch naming platform, ito ‘yung pagkakakitaan na inihahandog namin sa ating mga kababayang Filipino na kahit wala silang inilabas na puhunan ay pwede silang kumita. 

“Ang kailangan lang nilang gawin ay magrekomenda ng mga personal nilang kakilala, kaibigan, kamag-anak o kahit sino pa ‘yan na kailangan ng sasakyan at nahihirapan sa bank approval o naiinip sa kakahintay sa bank approval. Sagot ng MCarsPH ‘yan.

Sa McarsPH kapag may nairekomenda kikita ka ng P10,000 hanggang P100k o more at makukuha nila ‘yun on the same day of transaction.”

Present  sa event at umupo sa presscon si Gabriel Go, Head of the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group-Strike Force (SOG-SF), Socia CEO Josh Mojica at Socia CTO Reiner Cadiz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Rufina Villena Gelston

Rufina Villena Gelston, sasabak sa tatlong movies sa Inding-Indie Film

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INILUNGSAD ng Inding Indie Film ang isa sa kanilang bagong proyekto …

Ruben Maria Soriquez

Ruben Soriquez waging Best Actor, “Sin Preguntas Sin Mas” titulo ng kanyang new album

MARAMING blessings ngayon ang Filipino-Italian actor/director/singer na si Ruben Maria Soriquez. Bukod sa pagganap sa mahalagang papel sa …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Isha Ponti

Paglulunsad ng album ni Isha Ponti sinuportahan ni Kevin Miranda

MATAGUMPAY ang album launch ng tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart na si Isha Ponti, ang Likas noong June …

Vice Ganda Bini Juan Karlos

Vice Ganda, Juan Karlos, Bini wagi sa 17th Star Awards for Music

RATED Rni Rommel Gonzales INILABAS na ng PMPC Star Awards Inc. ang partial list of winners para …