Tuesday , October 8 2024

Inflation, food insecurity, labanan, magtanim sa bahay — solon

NANAWAGAN si Deputy Speaker at Las Piñas City Rep. Camille Villar sa mga Pinoy na paigtingin ang urban farming sa bansa bilang tugon sa tumataas na inflation at kawalan ng pagkain.

Ani Villar, ang pagtatanim sa sariling bakuran ay isang paraan para labanan ang kahirapan dulot ng pandemia dahil sa CoVid-19.

“Food security is very important. We can grow our own food in our own backyards [through] urban gardening. We can help feed our families at healthy pa ‘yan para sa ating mga anak,” ani Villar.

Sa kanyang mensahe sa isang online forum sa selebrasyon ng International Women’s Day noong 8 Marso, hinimok ni Villar ang taongbayan na mag-urban farming.

“The pandemic has really disrupted the lives of people especially the vulnerable. Maraming hamon ang dumating. Mayroong nawalan ng trabaho, lumiit ang kita, at talagang maraming dinaanang pagsubok,” aniya.

“Puwede rin itong pagkakitaan at hindi kailangan malaki ang kapital para magsimula. Puwede itong gawin sa labas ng bahay and it doesn’t require a very big space, nakatutulong ka pa sa environment at nakagaganda ng kapaligiran,” pahayag ni Villar.

Sa Kamara, isa si Villar sa mga awtor ng House Bill No. 8385 o ang Integrated Urban Agriculture Act na naglalayong gamitin ang mga bakanteng lupa, mga gusali at iba pang bakanteng lugar para sa agrikultura.

Aniya, puwedeng gamitin ito sa pagtatanim, sa poultry, pag-alaga ng baboy at sa maliit na palaisdaan.

Ang panukala ay naipasa ng Kamara sa pangatlo at huling pagdinig.

Hindi na bago ang konsepto ng urban farming pero nagkain­teres ang mga tao rito dahil sa pandemya.

(GERRY BALDO)

 

About Gerry Baldo

Check Also

Pia Cayetano

Ina, abogada, atleta, subok na mambabatas
PIA “KAMPANYERA” CAYETANO MULING TATAKBO PARA SA SENADO

INIHATID si Senadora Pia Cayetano ng halos 150 siklista mula sa Taguig, Maynila, at Pasay …

Arvin Lulu Mommy Lerms Lerma Lulu skin care online sellers

Sa Pampanga
SIKAT NA ONLINE SELLERS TINAMBANGAN PATAY

HINDI nakaligtas sa kamatayanang mag-asawang kilalang online skin care sellers nang pagbabarilin sa bayan ng …

100724 Hataw Frontpage

Para muling ‘irespeto’
Ex-PRRD PINAYOHANG TUMAKBO SA SENADO

ni NIÑO ACLAN NANINIWALA si dating presidential adviser, Salvador Panelo na ‘maliit ang tingin’ ng …

dead gun

Sa Sariaya, Quezon
2 LALAKI TUMIMBUWANG SA BOGA

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki na pinaniniwalaang pinagbabaril ng hindi kilalang suspek habang nakatayo …

Gun Fire

Hepe ng CDO police todas sa riding-in-tandem

PATAY ang hepe ng Cagayan de Oro CPO Station 2 nang barilin ng mga suspek …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *