Wednesday , June 24 2026
Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang mga update at ang tuloy-tuloy na momentum ng kanyang karera.

Bago pa man ang kanyang Pinoy Big Brother Collab stint, ilang beses nang napanood si Bianca sa harap ng kamera at nagbigay buhay na sa iba’t ibang roles. Ngayon, naghahanda siya para sa lead role niya sa MMFF 2025 entry na Love You So Bad.

“Hindi ko naman in-expect na magkakaroon ako ng ganito karaming blessings, which I’m very, very grateful for… ‘Yung buhay ko ngayon, if I compare it from before… ito ‘yung moments na ipinagdarasal ko lang noon,” pagbabahagi ni Bianca.

Co-produced ng Star Cinema, GMA Pictures, at Regal Entertainment, gagampanan ni Bianca ang karakter ni Savannah na magiging parte ng isang komplikadong love story  ng dalawang magkaibang love interests na gagampanan nina Will Ashley at Dustin Yu.

Sa kwento ng dalaga tungkol sa experience sa Love You So Bad, “It was really a journey. It was really a rollercoaster for the three of us… In this project I had the privilege na makilala ulit sila from scratch. Nakita ko sila sa ibang light, which is such a blessing for me.”

Bukod sa Love You So Bad, muli ring makakasama ni Bianca ang dati niyang PBB housemates sa inabangang mystery-family drama na The Secrets of Hotel 88, isang kolaborasyon ng ABS-CBN at GMA.

“Pangarap ko lang maging Star Cinema leading lady noon, and now I get the chance to be able to be one,” pagbabalik ni Bianca sa kanyang journey sa industriya.

Sa daming proyektong ginagawa, patuloy na patutunayan ni Bianca na handa siya sa mas malalaki pang roles. Mula sa kaniyang pagsisimula hanggang sa pagiging leading lady, makikita ang kanyang determinasyon. (Maricris Valdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …