Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni Bela Padilla sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na “Rekonek.”

Nagkuwento si Bela hinggil sa kanilang movie. “My character’s name here is Trisha and I play an OFW na sumusubok umuwi ng Filipinas sa gitna nang pagpatay ng internet. So, iyon ang umpisa ng kuwento ng karakter ko rito, kung saan makikila ko naman ang character ni Andrea Brillantes.”

Bilang si Trisha, sinabi ng aktres na hindi typical na OFW ang character niya sa pelikula.

Aniya, “The character is also very lovable. Trisha is so relatable. She’s your typical Filipino na responsible daughter na nagkatrabaho abroad.

“One of the draws also of the character to me is she’s an OFW but she’s not your typical OFW that you watch in movies. Hindi siya inaapi, hindi siya kawawa, hindi siya umiiyak. She’s your strong, independent, modern OFW whom I meet a lot of now, when I travel,” sambit ni Bela.

Sa pelikulang Rekonek, sampung araw bago mag-Pasko, ang buong mundo ay nawalan ng internet. Sa mabilis at modernong panahon ngayon, paano ba magiging normal ang buhay nang halos lahat ng tao sa mundo, kung biglang nawala ang internet sa pinakamahalagang bahagi pa naman ng taon?

Ayon kay Bela, kaya niyang mabuhay, kahit walang internet.

Esplika ng aktres, “Sa tingin ko, opo, yeah… Parang noong nasa London ako, bihira lang ako mag-post, parang medyo ipinagdamot ko iyong buhay ko roon. I would hardly post… not really dahil gusto ko siyang ipagdamot, but maybe I felt that I was really living a normal life…

“But yeah, I definitely think na mabubuhay ako without the internet. Masuwerte ako ipinanganak pa ako sa era na walang internet. Iyong naglalaro sa labas, ang batayan mo noon na kailangan mo nang umuwi, hindi ‘yung oras sa cellphone, kapag palubog na ang araw, pagagalitan na ako, kailangan nang umuwi.”

Pero aminado si Bela na kung mawawalan ng internet ang mundo, magdudulot ito ng kaguluhan at nakatatakot na scenario ito.

Aniya, “That would cause a lot of trouble… It’s a very scary situation to be in. So, I don’t wish it for the world right now to be in that scenario.”

Ang Rekonek ay handog ng Reality MM Studios at ng The Th3rd Floor Studios. Tampok din sa star-studded na movie sina Gerald Anderson, Andrea Brillantes, Charlie Dizon, Zoren Legaspi, Carmina Villaroel, Cassy Legaspi, Mavy Legaspi, Gloria Diaz, at marami pang iba.

Ang pelikula na pinamahalaan ni Direk Jade Castro ang tanging entry sa annual December filmfest, na Pasko talaga ang tema.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …