Tuesday , October 8 2024

VP Leni hinamon maglabas ng ebidensiya sa ‘CALABARZON massacre’

HINAMON ng Palasyo si Vice President Leni Robredo na maglabas ng ebidensiya sa pagtaguring masaker ng mga pulis sa siyam na aktibista sa CALABARZON nitong Linggo.

“Unang-una, kung personal na nakita ni Vice President iyong pangya­yari, aba’y magbigay siya ng ebidensiya. Kasi ang pananalita niya ay parang nakita ng dalawa niyang mata kung ano ang nangyari roon sa mga patayan na iyon ‘no. Kapag hindi siya nagbigay ng ebidensiya, kasalan din po iyan; baka siya ang makasuhan ‘no,” mataray na tugon ni Presidential Spokesman Harry Roque sa pag­batikos ni Robredo sa masaker sa CLABARZON.

Kinutya ni Roque si Robredo nang sabihin na hindi naman eyewitness o testigo ang Bise Presidente sa nangyaring pagpatay ng mga pulis sa siyam na aktibista,  sa raid noong Linggo kaya dapat hintayin ang resulta ng imbestigasyon sa insidente.

“So kung talagang siya ay eyewitness, sige po, ibigay niya ang ebidensiya. Pero kung hindi niya nakita ang pangyayari, gaya ng Presidente at gaya ng sambayanang Filipino, mag-antay ng resulta ng imbestigasyon dahil, naku, abogado pa naman po tayo pare-pareho ‘no. It’s an issue of fact, at kapag mayroong krimen na nangyari, talaga naman pong ang unang ebidensiya na io-offer natin sa hukuman kung mayroong kasong maisasampa ay iyong investigation report ng ating pulisya,” ani Roque.

“So kung anoman ang conclusion ni Vice President Robredo, kung wala siya roon sa mga pangyayaring iyon, as usual, laging mali ang ating Vice President,” dagdag ng Tagapagsalita ng Pangulo.

Kamakalawa ay ‘winakwak’ na naman ni Pangulong Rodrigo Duterte si Robredo dahil sa kritisismo ng Bise Presidente sa pag-handle ng administrasyon sa CoVid-19 pandemic.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Pia Cayetano

Ina, abogada, atleta, subok na mambabatas
PIA “KAMPANYERA” CAYETANO MULING TATAKBO PARA SA SENADO

INIHATID si Senadora Pia Cayetano ng halos 150 siklista mula sa Taguig, Maynila, at Pasay …

Arvin Lulu Mommy Lerms Lerma Lulu skin care online sellers

Sa Pampanga
SIKAT NA ONLINE SELLERS TINAMBANGAN PATAY

HINDI nakaligtas sa kamatayanang mag-asawang kilalang online skin care sellers nang pagbabarilin sa bayan ng …

100724 Hataw Frontpage

Para muling ‘irespeto’
Ex-PRRD PINAYOHANG TUMAKBO SA SENADO

ni NIÑO ACLAN NANINIWALA si dating presidential adviser, Salvador Panelo na ‘maliit ang tingin’ ng …

dead gun

Sa Sariaya, Quezon
2 LALAKI TUMIMBUWANG SA BOGA

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki na pinaniniwalaang pinagbabaril ng hindi kilalang suspek habang nakatayo …

Gun Fire

Hepe ng CDO police todas sa riding-in-tandem

PATAY ang hepe ng Cagayan de Oro CPO Station 2 nang barilin ng mga suspek …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *