Wednesday , June 24 2026
Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALK
ni Pilar Mateo

WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year old plays with her dolls. The nitty gritty abubots of kitchenwares, clays or crafting. Or being with her playmates.

Pero itong si Kryzl Jorge, dahil na rin siguro bunso at laging nasa laylayan ng kanyang butihing ina na isang negosyante, sa mga ginagawa nito nabaling ang pansin.

Now she sits as the CEO of their Purple Hearts Foundation and company. Na ang goal ay makatulong lalo na sa mga kabataan when it comes to their healrh concerns.

Kaya sa murang isip ni Kryzl, ang laro ay ang pakikihalubilo niya sa mga binigyan nila ng tulong sa iba’t ibang sektor.

Pero ang isa pang iniikutan ng pansin ni Kryzl ay ang pagiging musikera niya. Sa munting edad, nakagagawa na ito ng mga kanta na kinagigiliwan ng pakinggan sa sari-saring music platforms.

At dahil malapit sa kanyang ina ang komedyanang si Kiray Celis, naging ninang-ninangan na rin ito ni Kryzl.

Kaya what better to gift Kiray and Stefan Estopia na mag-iisandibdib na bago matapos ang taon, kundi isang kanta na mula sa kanyang munting isip.

Isinilang ang Kayong Dalawa Lang na ginawan na rin ng music video para sa mga ikakasal.

Nakapaglaro na ang munting isip ni Kryzl ng bale handog niya sa lovebirds sa nasabing awit. Na inilunsad pa sa Tikme Dine Restaurant para mapakinggan ng media.

Kasali siya sa naturang video as the little bride.

Things continue a-brimming for the young CEO.

Nag-eenjoy pa rin naman siya with the things that a nine-year old like her is supposed to do.

Saan niya tayo talo?

Nine year old na alam na kung ano ang time management. Hello! For studies. Music. Purple Hearts. 

At marunong sumagot nang inusisa about lovelife!

No comment!”  

So fun to be with this little girl Boss!!! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …