Thursday , October 21 2021
Andrea Torres
Andrea Torres

Kabutihan at mapagmahal sa pamilya ni Andrea pinuri

Rated R
ni Rommel Gonzales

NAPURI si Andrea Torres ng headwriter ng Legal Wives na si Suzette Doctolero.

Sa kanyang Facebook post kamakailan, sinabi ni Suzette na fan na siya ngayon ni Andrea, lalo pa at personal niyang nakita ang mahusay na work ethic nito at ang pagiging propesyonal.

“Napanood ko na ng dalawang beses ang episode ng ‘Legal Wives’ kagabi. Ang pagkikita ng dalawang misis. Naging fan ako bigla ni Andrea Torres dahil sa ‘LW.’

“Ang sarap panoorin ng nuances na ibinibigay niya sa role. Hindi lang siya magaling na artista, napakabuting babae pa.

“Sa loob ng apat na lock in taping (na kasama ako, isa ang hindi) ay naobserbahan ko siya: always smiling at palabati sa lahat (may katungkulan man o wala), kapag rest day ay nagbabasa ng libro, pili ang salita pero may laman, dumarating rin sa set na kabisado na ang linya.

“Nakakuwentuhan ko rin nang ilang beses kaya alam ko kung gaano niya kamahal ang pamilya niya. Masunurin din sa magulang, generous na ate. Pinalaking may strong sense of values. May sense kausap at malalim.”

Dagdag pang post ni Suzette. ”Yes, hindi lang siya katawan. May puso, talino at husay ang babae!”

Gumaganap si Andrea sa Legal Wives bilang si Diane na isa sa tatlong asawa ni Ismael (Dennis Trillo). Ang dalawa pang legal wives ay sina Alice Dixson at Bianca Umali.

About Rommel Gonzales

Check Also

New York Festivals World’s Best TV and Films

1 medal, 5 finalist certificates nakamit ng GMA sa NYF Awards

Rated Rni Rommel Gonzales PATULOY ang pamamayagpag ng GMA Network sa mga international award-giving bodies matapos makakuha …

GMA 7 Zamboanga

GMA network may Zamboanga station na

Rated Rni Rommel Gonzales LALO pang pinalakas ng GMA Network ang paghahatid ng balita at local features …

Alden Richards

Alden on GMA — Limitless

Rated Rni Rommel Gonzales MULING pumirma si Alden Richards ng exclusive contract sa GMA kaya 11 taon na siyang Kapuso. …

Ali Sotto, Pat-P Daza, Ano sa Palagay N’yo

Ali Sotto ‘di pa rin maiwan ang broadcasting

KITANG-KITA KOni Danny Vibas PARANG panahon ngayon ng mga tambalang babae-sa-babae.           Not necessarily romantic pairing …

Blind Item, Male Celebrity

Frustrated male new comer no pansin na sa gays kahit mababa ang presyo

FRUSTRATED actor, singer, at commercial model siya, na talagang pinangarap niya pero hindi naman niya naabot …

Leave a Reply