Wednesday , December 8 2021
Aiko Melendez
Aiko Melendez

Aiko nabagok ang ulo dahil sa maanghang na Ramen

Rated R
ni Rommel Gonzales

ISANG freak accident ang nangyari kay Aiko Melendez noong Martes ng gabi, August 31, sa tahanan nila sa Quezon City. Ang dahilan, ang maanghang na ramen.

Ayon kay Aiko, kumakain siya ng ramen na hindi niya alam eh sobra pala ang anghang. Nahilo siya at biglang tayo papuntang lababo para sumuka.

At dahil nahihilo, humampas ang ulo ng aktres sa lababo kaya nagkaroon siya ng malalim na sugat malapit sa kaliwang mata.

Agad-agad na isinugod si Aiko ng anak niyang si Andre Yllana sa  General Malvar Hospital sa Quezon City.

Hindi naman na-confine ang aktres at sa emergency room lang tinahi ang malalim na sugat. Inabot iyon ng 11 stitches para maisara.

Pinasalamatan ni Aiko ang doktor na si Dr. Dacon na siyang tumahi ng sugat.

Bandang alas singko ng umaga na nakauwi na sina Aiko at Andre. Hilong-hilo pa rin si Aiko pero alam niyang bubuti rin ang kanyang pakiramdam. Naka-quarantine muna siya ngayon para makatiyak dahil na-expose siya sa ER ng ospital. Pero tinest naman siya sa General Malvar Hospital at negative ang resulta. 

Ipinagdarasal lang niya na huwag magka-keloid ang sugat niya lalo pa at nasa mukha niya ang sugat.

Isa pang ipinag-aalala ni Aiko ay ang nalalapit na lock in taping niya para sa book 2 ng Prima Donnas ng GMA.

September 7 ay nakatakda na silang sumailalim sa swab/antigen test bago mag-lock in. Pero nananalig si Aiko na gagaling na kahit paaano ang sugat niya bago mag-taping.

Nagmarka nang husto ang papel ni Aiko sa Prima Donnas bilang si Kendra kaya naman kasali siyang muli sa book 2 ng toprating GMA series.

About Rommel Gonzales

Check Also

Beyond Zero

Beyond Zero pinatunayang ‘di lang sila pang-Tiktok

SHOWBIZ KONEKni Maricris V. Nicasio MATAGUMPAY at star-studded ang kauna-unahang digital concert ng Beyond Zero, ang Beyond Zero: …

Ping Lacson Caleb Jiro Iwa Moto

Sen Ping Lacson pinaglihian ni Iwa?

SHOWBIZ KONEKni Maricris V. Nicasio PINAGLIHIAN kaya ni Iwa Moto, asawa ni Pampi Lacson ang biyenan niyang si Sen. …

Rhen Escaño Rita Martinez

Rhen wa ker kung lesbian ang maging ka-loveteam

SHOWBIZ KONEKni Maricris V. Nicasio  “M ASAYAHIN din   sila.” Ito ang    gustong ipakita ni Direk Sigrid Andrea Bernardo sa …

Gab Valenciano

Gab nagka-trauma sa pagkanta

HARD TALKni Pilar Mateo  “THE whole 2020 was a blur! Nangyari ba talaga ito?” ang …

AJ Raval

AJ trending ang pagiging Curly Elle

HARD TALKni Pilar Mateo SA mga bagong alaga ng Viva ni Boss Vic del Rosario …

Leave a Reply