Friday , June 13 2025
prison

3 kakilakilabot na ‘iron men’ timbog sa NAIA

MALAMIG na rehas na bakal ang hinihimas ng tatlong kilabot na kawatan na binansagang “Iron Men” sa paligid ng Manila Domestic terminal matapos mahuli sa aktong itinutulak sa ibabaw ng kariton ang isang pirasong steel H-beam bar, BMX bike, at isang jungle bolo dahilan upang arestohin ng mga awtoridad sa lungsod ng Pasay, napag-alaman sa ulat kahapon.

Sa ulat na isinumite ni AP Lt. Jesus Ducusin, OIC-Police Investigation Section kay AP Maj. Jaime Estrella, OIC-Police Intelligence and Investigation Division (PIID), nakilala ang mga suspek na sina Emmanuel Garciano,30, binata, lider ng grupo; Ariel Jasma,23, binata, at Carlo Morata, 29, pawang residente sa Bgy. 148 ,Sgt. Mariano compound, Pasay City. 

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya,  habang nagbabantay ang guwardiyang si Francis Mariano ng Vigilant Security agency sa Parking B Entrance, NAIA terminal 4 sa Domestic Road nang mapansin ang mga suspek na itinutulak ang kariton na mayroong kargang malaking bakal. 

Ang nasabing H-beam bar na may sukat na tatlong metro ang haba ay galing mula sa isang abandonadong gusali na nasa tapat ng nasabing paliparan.

Inamin ng mga suspek sa pulisya na wala kasi silang natanggap na ayuda kayat napilitan silang magnakaw ng mga bakal sa abandonadong gusali.

Napag-alaman sa impormasyon na sina Graciano at Morata ay parehong convicted  kaugnay sa kasong robbery.

Muli na namang nahatulan ang dalawa kasama si Jasma kaugnay sa kasong Theft nang aminin nila ang kanilang pagkakasala sa MTC branch 45 ng Pasay City. (JSY)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About JSY

Check Also

Arrest Shabu

Tulak arestado sa P6.8-M shabu

DINAKIP ang isang lalaking itinuturing na big time tulak matapos kumagat sa buybust ng mga …

061325 Hataw Frontpage

Impeachment trial vs VP Sara ongoing, alive & kicking — Risa

HATAW News Team HINDI ‘dead on arrival’ kundi nanatiling buhay, ongoing, alive and kicking ang …

Senate CHED

4 na higher education bills ni Cayetano, pasado na sa Final Reading sa Senado

INAPROBAHAN ng Senado sa 3rd and Final Reading nitong Lunes, 9 Hunyo ang apat na …

Gen Nicolas Torre III

Torre, tiniyak na ligtas Balik-Eskwela sa 16 HunyoTorreTorre, tiniyak na ligtas Balik-Eskwela sa 16 Hunyo

TINIYAK ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III na ligtas ang pagbabalik …

arrest, posas, fingerprints

NAIA employee timbog sa human trafficking

INARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang babaeng empleyado ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *