Saturday , January 28 2023

CDO flight nabalam sa bird strike

NAPILITANG bumalik sa Ninoy Aquino Inter­national Airport (NAIA) ang Cebu Pacific Air (CEB) flight dahil sa bird strike, ilang minuto makaraang mag-take off patungong Cagayan de Oro kahapon.

Kinompirma ng isang opisyal ng airport ope­rations, ang CEB flight 5J381 na lumipad dakong 3:45 am ay bumalik sa NAIA matapos bumang­ga ang ‘di pa mabatid na mga ibon sa makina ng eroplano.

Aniya, tumawag ang piloto sa Manila Control Tower na babalik sa paliparan saka humingi ng clearance para maka­pag-landing.

Base sa report, ligtas na nakalapag ang ero­plano sa NAIA runway dakong 4:17 am.

Isa sa mga pasahero ng flight 5J381 ay si dating presidential spokes­man Harry Roque na nag-post sa kanyang Facebook account na “there was a delay in take-off, then an explosion of sorts, smell of smoke and flight now returning to Manila.”

Dagdag ni Roque, “CebuPac needs to take better care of its aircraft and its passengers. Paging Sec Art Tugade and CAAP! Riding public need your help!”

Ang mga pasahero ng flight 5J381 ay inilipat sa ibang eroplano at nakaalis dakong 6:58 am patu­ngong Cagayan de Oro.

Samantala, nagsa­gawa ng imbestigasyon ang Civil Aviation Autho­rity of the Philippines kasama ang CEB aircraft engineers upang alamin kung gaano kalaki ang naging pinsala ng ero­plano. (JSY)

About JSY

Check Also

Arnell Ignacio OWWA

Health and wellness ng mga OWWA employee tututukan ni Admin Arnell

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang concern ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Arnell Ignacio hindi …

SAF 44 National Day of Remembrance bulacan

Bulacan cops ginunita ang Fallen SAF 44 sa National Day of Remembrance

PARA sa National Day of Remembrance ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF), …

Arrest Posas Handcuff

Puganteng rapist at kilabot na kawatan, timbog

Dalawang lalaki na kabilang sa most wanted person sa Bulacan ang magkasunod na naaresto sa …

dead gun

Ika-5 suspek sa pagpatay sa 2 pulis sa Mabalacat, Pampanga, patay sa shootout

ANG ikalimang  suspek at lider ng Flores group na pumatay sa dalawang anti-drug cops ng …

dead gun

Wanted patay sa engkuwentro

Patay ang  lalaking wanted sa kasong robbery nang manlaban sa mga awtoridad na aaresto sa …

Leave a Reply