Thursday , March 30 2023

Sanggol isisibat, ‘Kana’ nasabat (Sa NAIA Terminal 3)

INAKALANG lusot na, nang makalampas sa Bureau of Immigration (BI), pero biglang lumitaw ang paa ng isang sanggol mula sa sweat shirt ng isang babaeng American national kaya nabigong maisakay sa eroplano ang isisibat na umano’y pamangkin patungong Estados Unidos.

Nangyari ito kahapon ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, base sa ulat ni Bureau of Immigration (BI) terminal 3 on-duty super­visor Allan Canonizado kay Grifton Medina, hepe ng NAIA Port Operation Division (POD) na kina­sasangkutan ng babaeng American national na kinilalang si Jennifer Erin Talbot, 42 anyos, sinabing taga-Ohio, USA.

Ayon kay Canoni­zado, dumating si Talbot sa NAIA terminal 3 bago mag-6:00 am para sa kanyang 8:10 am Delta Air flight 180 patungong Estados Unidos via Narita, Japan.

Naipakita umano ni Talbot ang kanyang passport sa immigration officer pero ang sanggol na lalaki na halos, anim na araw pa lamang, ipinanganak nitong 29 Agosto 2019, ay itinago sa kanyang itim na hand carry luggage.

Bago makarating sa final X-ray machines, inilabas ni Talbot ang sanggol mula sa luggage saka sumailalim sa body search habang ang lug­gage ay isinalang sa X-ray saka mabilis na nagtungo sa pre-departure area habang hinihintay ang tawag para sa kanyang flight.

Sa pagkakataong ito, inakala ni Talbot na nakalusot na siya, ngunit biglang lumapit ang airline staff para hingiin ang kanilang passport at boarding pass, dahil nakita niya ang paa ng sanggol na lumusot sa sweat shirt ng Amerikana.

Pero walang naipaki­tang dokumento at boarding pass si Talbot para sa sanggol na lalaki na nais niyang ilusot patungong Estados Unidos.

Agad ipinabatid ng airline staff sa kanyang supervisor ang insidente at itinawag sa awtoridad kaya agad inimbitahan ng Immigration si Talbot para sa interogasyon.

Hindi sinabi ni Cano­nizado kung bakit dala ni Talbot ang sanggol na sina­bing kanyang pa­mang­­kin.

Ipinasa si Talbot sa NAIA National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Human Trafficking Division para sa imbes­tigasyon at kaukulang paghahain ng kaso.

Pansamantalang isi­nailalim sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang sanggol hanggang lumitaw ang mga tunay na magulang na may kaukulang doku­mento at pagpapatunay pero isasailalim din sila sa imbestigasyon. (JSY)

About JSY

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *