Thursday , December 9 2021
Sara Duterte, Rodrigo Duterte, survey
Sara Duterte, Rodrigo Duterte, survey

Digong, Sara ‘binuhat’ ng misinfo (Kaya nangunguna sa survey)

HATAW News Team

‘MISINFORMATION’ ang nakaaapekto sa mga isinasagawang political surveys kaya hindi maaaring pagbatayan ito na totoong sentimyento ng taongbayan.

Ito ang iginiit ni dating Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Secretary General Bro Clifford Sorita, sa harap ng lumalabas na surveys na nagpapakitang nangunguna ang mag-amang Davao City Mayor Sara at Pangulong Rodrigo Duterte sa presidentiable at vice presidentiable race.

Ipinaliwanag ni Sorita na ang problema sa ngayon ay ang pagdami ng trolls.

“Lumalabas na ‘factor’ na nakaaapekto sa mga survey ang misinformation, ‘yung mga trolls is a very big problem now because it tends to distort information and in the same process if the information is distorted, then the survey results and people response towards the survey are also also bit affected” paliwanag ni Sorita.

Sinabi ni Sorita, dahil online ang survey, tiyak na problema ang mga trolls na nakadikit agad. Ang resulta nito ay hindi maituturing na authentic at reliable ang pagsagot ng survey.

Gayondin ang pananaw ng grupong 1Sambayan, giit ng opposition coalition, ang pangunguna ni Mayor Sara sa survey ng presidential race ay dahil na rin noong 2020 pa ay nag-iingay na tatakbo sa eleksiyon sa pamamagitan ng nagkalat na campaign posters.

“Kaya siya tumataas sa initial survey kasi she is the only candidate who started campaigning as early as December 2020, all over, ang daming poster ng Run Sara Run,” paliwanag ni 1Sambayan convenor Neri Colmenares.

Nang pumasok ang taong 2020 ay pinalutang na umano at pinaiingay ng administrasyon ang planong Duterte-Duterte tandem kaya naman tumatak ito sa mga survey.

Kombinsido ang 1Sambayan na sa susunod na survey ay babagsak ang rating ng Duterte administration dahil sa palpak na pagtugon sa pandemic at sa oras na magkaroon ng united opposition.

Sa panayam ng foreign press kay UP Political Science Professor Maria Ela Atienza, ipinaliwanag niya ang high popularity ng mga Duterte ay bunsod ng divided opposition at resulta ng culture of fear sa administration.

Tinukoy ni Atienza ang July 2020 Social Weather Station mobile phone survey na nagsasabing mapanganib mag-print at mag-broadcast ng anomang kritikal sa administrasyon kahit totoo ito.

Aminado ang political analyst na si Mon Casiple na magiging malaking dagok sa administrasyon para sa 2022 elections kung paano nagresponde sa pandemic, naniniwala siya na ang magiging basehan ng taongbayan sa pagpili ng susunod na lider, sa national man o sa local elections ay kung sino ang nakaganap sa kanilang tungkulin na matulungan ang mga naapektohan ng CoVid-19.

May local government units na nag-excel sa paghawak ng CoVid-19 cases sa kanilang lugar habang may ilan na bagsak.

Tiyak umano na si Mayor Sara kung tatakbo sa panguluhan ay titingnan ang kung paano niya pimahalaan ang pandemya sa Davao City.

About hataw tabloid

Check Also

DonBelle Donny Pangilinan Belle Mariano

Donbelle hinuhulaang magiging number 1 loveteam sa 2022

MA at PAni Rommel Placente KASAMA ang comedian-director na si John ‘Sweet’ Lapus sa pelikulang Love Is Color …

120821 Hataw Frontpage

Pari gustong ipalit ni Duterte kay Duque

ni Rose Novenario INALOK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Dominican priest at molecular biologist Fr. …

Las Piñas Enhanced Kadiwa Inclusive Food Supply Chain Program

Para sa food security
LAS PIÑAS CITY PUMIRMA NG MOA SA DA

NILAGDAAN ng Las Piñas city government at ng Department of Agriculture (DA) ang isang memorandum …

Rida Robes

Pagbabakuna sa mga batang edad 5-11 anyos unahin bago face-to-face classes – Robes

UMAPELA si San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” P. Robes sa Inter-Agency Task …

Comelec

Ex-CJ sa Comelec
DQS VS BBM RESOLBAHIN

HINIMOK ni retired chief justice Artemio Panganiban ang Commission on Elections (COMELEC) 2nd Division na …

Leave a Reply