Wednesday , December 11 2024

Masonry Layout

Million March ‘di tatapatan ng Palasyo

NILINAW ng Malacañang na wala silang balak tapatan ang ikinakasang kilos-protesta ng mga organizer ng Million People March sa Agosto 25 laban sa pork barrel. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang katotohanan ang palutang ng Bayan Muna na magsasagawa ang administrasyon ng counter-rally sa katapusan ng buwan at tatawaging ‘Yellow Rally.’ Ayon kay Valte, kung mayroong  mag-oorganisang cause-oriented …

Read More »

Dalaga ninakawan na ginahasa pa

BUKOD sa pagnanakaw, ginahasa ng isa sa dalawang suspek ang dalagang may-ari ng apartment na kanilang pinasok sa San Rafael, Bulacan, kamakalawa. Sa ulat na ipinarating sa Bulacan Provincial Police Office, bandang 11:30 p.m. nang pasukin ng dalawang hindi nakikilalang lalaki ang apartment ng biktimang itinago sa pangalang Momay, 25, ng Altavida Subd., San Roque, San Rafael, Bulacan. Mahimbing na …

Read More »

Temporary terminal ng buses suportado ng Muntinlupa Gov’t

SINUPORTAHAN ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa ang panukala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ukol sa temporary terminal para sa mahigit na 500 bus na magmumula sa Southern Luzon. Magtatalaga ng karagdagang bilang ng mga police at  traffic enforcer ang Muntinlupa sa inaasahang matinding trapiko sa siyudad. Sinabi ni Muntinupa City Administrator, …

Read More »

Kelot tinodas sa harap ng live-in

PATAY ang isang kelot nang barilin ng isa sa dalawang lalaki na humarang sa kanila ng kanyang live-in partner habang pauwi sa Navotas City, kamakalawa. Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ng ‘di malamang kalibre ng baril ang biktimang si Jeremy Relacio,27, ng Block 25, Kapitbahayan, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS), ng nasabing …

Read More »

Jobless utas sa kadyot ng kaaway

TODAS sa tatlong malalalim na saksak ang isang jobless nang tarakan ng isa sa nakaalitan habang kasama ang mga kaibigan sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon. Hindi na umabot nang buhay bago idating sa Ospital ng Maynila (OSMA) ang biktimang si Victor Villamor, 40, walang trabaho, ng 2935 Jose Abad Santos St., Tondo, Maynila. Pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek na …

Read More »

Killer tandem umatake kagawad, warden utas

KAPWA patay ang isang barangay kagawad at isang jail warden ng Nueva Ecija nang ratratin ng sunod-sunod na putok ng baril ng riding-in tandem sa magkahiwalay na lugar sa Cabanatuan City, iniulat kahapon. Kinilala ang mga biktima na sina Kagawad Charlie Estares, 50, ng San Isidro resettlement, Magalang, Pampanga at SPO1 Enrico Campos, retiradadong pulis ng Cabanatuan City, na kasalukuyang …

Read More »

Resignation ng NFA chief ibinasura ni Kiko (Extortion case vs Juan pakana ng tinamaan ng reporma)

TINANGGIHAN ni Presidential Assistant for Food Security Francis “Kiko” Pangilinan ang pagbibitiw ni National Food Authority (NFA) Administrator Arthur Juan. Ang paghahain ng courtesy resignation ni Juan ay kasunod nang alegasyong extortion sa isang rice trader sa Bulacan. Sinabi ni Pangilinan, hinikayat niya si Juan na manatili muna at hintayin ang imbestigasyon. “Kinombinsi natin si Mr. Juan na ‘wag munang …

Read More »

Customs employee timbog sa kotong

  ARESTADO ng PNP Criminal Investigation Detection Group (CIDG) at Customs Police ang customs employee na si Ethel Bernas, habang tumatanggap ng malaking halaga mula sa kinokotongang negosyante ng ukay-ukay na si Jane Louise Balse, 39 anyos. (JERRY YAP) ARESTADO ang isang customs employee habang tumatanggap ng malaking halaga mula sa isang kinokotongang negosyante ng ukay-ukay sa Customs Building, iniulat …

Read More »

Praning nang-hostage ng kaanak (4 araw lasing at walang tulog)

IKINOBER ng hostage taker na si Melvin Medina ang sarili sa kanyang ini-hostage na pinsan habang nakikipagnegosasyon ang mga opisyal ng pulisya at mga kaanak sa suspek sa Maximana St., Brgy. Baesa, Quezon City kahapon. (ALEX MENDOZA) INI-HOSTAGE ng isang lalaking apat na araw nang lasing at walang tulog ang kanyang tiyuhin at pinsan kahapon ng umaga sa Quezon City. …

Read More »

Resolusyon sa MRT probe inihain sa Senado

INALIS ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nadiskaril na bagon ng MRT mula sa crash site sa kanto ng EDSA at Taft Avenue, Pasay City kamakalawa ng gabi. (ALEX MENDOZA) INIHAIN na sa Senado ang isang resolusyon na naglalayong imbestigahan ang nangyaring aksidente sa tren ng MRT 3 sa EDSA-Taft station na ikinasugat ng halos 40 …

Read More »

Delay sa paglipat ni Palparan kinuwestiyon ng korte (NBI pinagpapaliwanag)

PINAGPAPALIWANAG ng Malolos Regional Trial Court ang National Bureau of Investigation (NBI) sa isyu ng atrasadong paglilipat kay retired Maj. Gen. Jovito Palparan sa Bulacan Provincial Jail. Ayon kay Malolos RTC Branch 14 clerk of court, Melba Agustin-David, nais malaman ng korte ang tunay na rason ng NBI lalo’t nabigyan na nang sapat na panahon para ipatupad ang commitment order. …

Read More »

Palasyo napikon sa Bayan Muna

NAPIKON ang Palasyo sa akusasyon ng militanteng Bayan Muna party-list na kaya pabor si Pangulong Benigno Aquino III na magkaroon ng second term sa pamamagitan ng Charter Change, ay upang makalusot sa pananagutan sa Disbursement Acceleration Program (DAP). Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, sa apat na taon niyang panunungkulan sa Malacañang, ni minsan ay walang sinabi ang Bayan …

Read More »

P25-K sahod ng public school teachers, isinulong

ISINULONG ng isang senador ang panukalang dagdag sa minimum na sahod ng public school teachers at non-teaching personnel. Sa ilalim ng Senate Bill No. 2351, nais ni Senadora Loren Legarda na iangat sa P25,000 mula sa kasalukuyang P18,549 kada buwan ang sweldo ng pampublikong mga guro sa elementarya at sekondarya. Habang nais maging P15,000 ang kasalukuyang P9,000 kada buwan na …

Read More »

Pagtalakay sa 3 impeachment vs PNoy iniliban

INILIBAN ang pagtalakay sa tatlong impeachment complaint laban kay Presidente Benigno “Noynoy” Aquino III sa darating na Agosto 26, 2014. Sa mensahe na ipinadala ni Congressman Niel Tupas. Jr., chairman ng House Justice Committee, napagdesisyonan na ipagpaliban ang pagtalakay para mabigyan nang kaukulang panahon ang kanyang mga kasamahan na mabasa at mapag-aralan ang nasabing impeachment complaints. Kung maaalala, unang itinakdang …

Read More »

Ex-Malabon Dad wanted sa sexual abuse ng teenager

PINAGHAHANAP ng mga awtoridad ang isang dating konsehal at kakutsabang babae matapos akusahan ng panghahalay sa isang dalagita sa Malabon City, iniulat ng pulisya kahapon. Kinilala ang suspek na si Eddie Nolasco, 60, dating kapitan ng Brgy. Potrero at tatlong terminong naging konsehal ng nasabing lungsod. Kinasuhan si Nolasco ng paglabag sa Sec. 4 A at B, Qualified Trafficking (Sec. …

Read More »

Koreano nag-suicide

PUNO ng dugo nang matagpuan ang isang Korean national sa loob ng kanyang condominium unit sa Pasay City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Chief Insp. Angelito de Juan, hepe ng Investigation Detective & Management Section (IDMS) ng Pasay City Police, ang biktimang si Jong Soo Kim, 44, ng Room 1904, 19th Floor, Antel Building, Roxas Boulevard, ng naturang lungsod. Sa …

Read More »

Ombudsman kumilos vs tongpats sa Makati

INATASAN ng Tanggapan ng Ombudsman nitong Agosto 5, sina Makati Mayor Jejomar Erwin “Jun Jun” Binay at ang 20 iba pa, na maghain ng kani-kanilang sagot sa mga paratang na grave abuse of authority, grave misconduct at gross neglect of duty na isinampa laban sa kanila kamakailan. Ang mga reklamo ay isinampa ng grupong United Makati Against Corruption (UMAC) sa …

Read More »

2-anyos baby ginilitan ni daddy

CEBU CITY – Patay ang 2-anyos sanggol nang gilitan sa leeg ng kanyang ama matapos makipag-away sa kanyang misis dakong 6 a.m. kahapon sa Villagonzalo, Brgy. Tejero, Lungsod ng Cebu. Kinilala ang biktimang si Jasel Ompad, habang nakapiit na sa himpilan ng pulisya ang ama niyang si Robert Ompad, 27, construction worker, sinasabing may nervous breakdown. Ayon kay SPO1 Victor …

Read More »

AFP babangon – PNoy (Sa pagkaaresto kay Palparan)

INASISTEHAN si Pangulong Benigno Aquino III ni Defense Secretary Voltaire Gazmin sa ginanap na ‘Ceremonial Distribution of Assault Rifles’ sa Philippine Army (PA) at Philippine Navy (PN) Marine troops sa AFP General Headquarters Canopy ng Camp General Emilio Aguinaldo sa Quezon City. (JACK BURGOS) KOMBINSIDO si Pangulong Benigno Aquino III na makakapagbangong-puri na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) …

Read More »

Senate probe sa nadiskaril na bagon ng MRT

IIMBESTIGAHAN din ang Senado ang naganap na aksidente ng MRT sa EDSA-Taft station sa lungsod ng Pasay kamakalawa na ikinasugat ng halos 50 katao. Ayon kay Sen. Koko Pimentel, nakatakda siyang maghain ng resolusyong naglalayong magsagawa nang sariling pagdinig ang kapulungan hingil sa madalas na pagkaaberya ng tren ng MRT. Nais alamin ng senador ang mga dahilan ng aberya at …

Read More »

Mag-ina nag-suicide sa Kyusi

KAPWA patay na nang matagpuan ang isang 63-anyos ginang at 35-anyos niyang anak na babae sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City kamakalawa ng gabi sa insidenteng ayon sa pulisya ay posibleng kaso ng parricide at suicide. Hinihinala ng mga imbestigador na pinatay sa saksak ni Arsenia Carabeo, 63, ang kanyang anak na si Joanne bago siya nagpakamatay, ayon …

Read More »

DFA nagbigay ng ultimatum vs Pinoys sa Libya

INIHAYAG ni Foreign Secretary Albert del Rosario kahapon, hindi na muling magrerenta ang gobyerno ng Filipinas ng isa pang barko para sunduin ang mga Filipino mula sa conflict-striken Libya, kasunod ng kaunting bilang ng mga manggagawa na nagpalista para sa paglilikas. “It’s difficult to support another ship,” pahayag ni Del Rosario, nang maraming mga Filipino ang umatras sa planong paglilikas …

Read More »

23-anyos bebot 3 araw sex slave ng FB ex-BF

TATLONG araw na niluray sa condo ang isang 23-anyos babae ng dating boyfriend na nakilala lamang niya sa Facebook, makaraan siyang dukutin ngunit nakatakas ang biktima nang dalhin siya sa tattoo center sa Cainta, Rizal. Sa ulat na tinanggap ni Senior Supt. Bernabe Balba, Rizal PNP provincial director, itinago ang biktima sa pangalang Dianna, 23, at nakatira sa nabanggit na …

Read More »

2 operator ng MRT lumantad na

LUMANTAD kahapon sa Pasay City Police ang dalawang operator ng Metro Rail Transit (MRT) na itinuturong responsable sa nangyaring aksidente nang bumangga at lumagpas sa estasyon ang isa sa mga bagon nito na ikinasugat ng 50 katao kamakalawa ng hapon sa Pasay City. Posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries and damage to property ang mga …

Read More »

National Transport Safety Board ipinanukala ni Poe

NABABAHALA na rin si Senadora Grace Poe sa rami ng transportation related accidents na dapat nang aksyonan ng gobyerno. Bunsod nito, naghain si Senadora Grace Poe ng panukalang naglalayong magbuo ng National Transportation Safety Board na mag-iimbestiga sa mga aksidente sa lansangan, himpapawid, dagat, riles at pipeline. Sa Senate Bill 2266, iginiit ni Poe na responsibilidad ng gobyerno na bigyan …

Read More »