This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
SWAK sa kulungan ang isang panadero makaraang lamutakin at lamasin ang dibdib ng isang 26-anyos babaeng may kapansanan sa pag-iisip sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.
Kasong acts of lasciviousness ang kinakaharap ng suspek na si Ariel Calaparo, 35, ng 149 Milagrosa St., Bagong Barrio ng nasabing lungsod.
Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa loob ng bahay ng isang kaibigan ni Calaparo sa Petra St., Brgy. 153 sa nasabing lugar.
Pagkaraan ay isinalaysay ng biktima sa kanyang 62-anyos ina ang ginawa ng suspek.
Agad inireklamo sa pulisya ng ina ang insidente na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.
Dinaliri si nene manyak tiklo
KULONG ang isang manyakis na vendor makaraang dalir iin ang 5-anyos paslit na napadaan sa grupo ng mga nag-iinoman sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang suspek na si Domingo Lecada, 49, ng Lot 10, Block 32, Kapak St., Brgy. 12, Dagat-dagatan ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong rape in relation to R.A. 7610 (Child Abuse).
Batay sa ulat ni SPO1 Gigi De Jesus, ng Women and Children’s Protection Desk, naganap ang insidente dakong 1 p.m. sa harap ng bahay ng biktima.
Naglalaro ang biktima nang mapadaan siya sa grupo ng mga nag-iinoman.
Tinawag ng suspek ang paslit at biglang dinaliri na ikinabigla ng biktima kaya mabilis na tumakbo at nagsumbong sa ina.
Agad humingi ng tulong sa barangay ang ina ng biktima dahilan upang maaresto ang suspek.