Thursday , June 4 2026

3 paslit todas sa karne ng pawikan

LEGAZPI CITY – Kasong multiple homicide ang kakaharapin ng isang fish vendor sa Irosin, Sorsogon, makaraang malason ang isang pamilyang bumili sa kanyang ibinentang karne ng pawikan.

Kasunod ito nang lumabas na resulta mula medico legal na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa tunay na sanhi ng pagkamatay ng mga biktimang sina Juvelyn Alon, isang taon at anim buwan gulang; Jacob Alon, 3, at Jose Bernardo Alon, 5, mula sa Brgy. Liang sa nasabing bayan.

Habang ang mga magulang nila na sina Pio Alon at Theresa Alon ay ilang araw na namalagi sa ospital bunsod din ng pagkalason.

Ayon kay Senior Insp. Romy Gellirena, inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong isasampa laban kay Norman Gacias.

Pinaniniwalaang ang nasabing pawikan ay mula pa sa karagatang sakop ng Matnog, Sorsogon na katabi lamang ng nabanggit na barangay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …