Tuesday , December 16 2025

Masonry Layout

https://www.facebook.com/bingoplusph

406 pasaway sa gun ban arestado

gun ban

UMABOT sa 406 ang mga naaresto dahil sa paglabag sa gun ban, ayon sa National Capital Regional Police Office (NCRPO). Kinompirma ng NCRPO, umabot sa 406 individuals ang nahuli habang 183 firearms ang nasamsam sa buong dahil sa paglabag sa gun ban. Ayon kay NCRPO chief Director P/MGen. Vicente Danao, Jr., sa loob ng 42 araw mula 9 Enero hanggang …

Read More »

Presyo ng petrolyo muling magtataas

Oil Price Hike

NAG- ABISO ang mga lokal na kompanya ng produktong petrolyo para sa dagdag na presyong ipatutupad ngayong araw ng Martes, ang ika-8 sa sunod-sunod na pagtataas ng presyo ng langis simula nitong Enero 2022. Ayon sa Petron Corp., Pilipinas Shell, at Seaoil Philippines, magtataas sila ng kanilang presyo ng P0.80 kada litro ng gasolina, P0.65 sa diesel, at P0.45 sa …

Read More »

DFA consular team isinugo sa Ukraine

Ukraine

NAGPADALA ng consular team ang Philippine Embassy sa Warsaw, Poland upang umalalay sa mga Pinoy sa Lviv, Ukraine na posibleng maipit sa nagbabantang gera doon. Ang naturang hakbangin ay upang tiyakin ang pagbibigay ng agarang tulong sa mga Pinoy. Binubuo ng dalawang personnel ng Philippine Embassy, ang consular team ng Consul at ATN officer na may koordinasyon sa Philippine Honorary …

Read More »

50-M vaccine doses vs COVID-19 naihatid ng Cebu Pacific

50-M vaccine doses vs COVID-19 naihatid ng Cebu Pacific

UMABOT sa higit 50 milyong doses ng bakuna kontra CoVid-19 ang naihatid na ng Cebu Pacific sa iba’t ibang lugar sa bansa, sa patuloy nitong pagsuporta sa pambansang kampanya ng pamahalaan na mabigyan ng primary vaccines ang mga bata at mga nakatatanda, at booster jabs para sa mga bakunadong indibidwal. Simula noong Marso 2021, ligtas na naihatid ng Cebu Pacific …

Read More »

MWP ng CALABARZON PNP timbog sa Victoria, Laguna

MWP ng CALABARZON PNP timbog sa Victoria, Laguna Boy Palatino photo

INIULAT ni Laguna PPO Acting Director P/Col. Rogarth Campo kay PRO4-A PNP Regional Director P/BGen. Antonio Yarra ang pagkakadakip sa pangsiyam na most wanted person sa regional level sa ikinasang manhunt operation nitong Lunes ng hapon, 21 Pebrero, sa Brgy. Nanhaya, bayan ng Victoria, lalawigan ng Laguna. Kinilala ang target sa manhunt operation na si Erwin Aguilar, 33 anyos, residente …

Read More »

P.868-M pekeng ‘yosi’ ipinuslit sa Bulacan, nasamsam sa Nueva Ecija

Fake Cigarette, yosi, sigarilyo

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang halos P900,000 halaga ng mga pekeng sigarilyo sa lalawigan ng Nueva Ecija na ibiniyahe mula sa Bulacan, saka nadakip ang taong nasa likod nito nitong Lunes, 21 Pebrero. Ayon kay P/Col. Jess Mendez, acting provincial director ng Nueva Ecija PPO, nagsagawa ang mga elemento ng Zaragoza MPS at 1st PMFC ng anti-criminality checkpoint sa provincial …

Read More »

Criminal gang member, 3 pa timbog sa Bulacan

arrest, posas, fingerprints

ARESTADO ang isa sa mga most wanted persons (MWPs) ng Central Luzon pati ang tatlong iba pang pinaghahanap ng batas sa pinatinding manhunt operations ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 22 Pebrero. Ayon kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, nagsanib-puwersa ang tracker teams ng Plaridel MPS, Pulilan MPS, at Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) …

Read More »

137 drug suspects, 112 wanted at 19,855 Ordinance violators, arestado sa SACLEO ng QCPD

PNP QCPD

MATAGUMPAY ang isinagawang Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operatios (SACLEO) ng Quezon City Police District (QCPD) makaraang makaaresto ng 137 drug suspects, 112 wanted persons, at 19,855 ordinance violators sa loob ng isang linggo sa lungsod. Ayon kay QCPD Director, P/BGen. Remus Medina, isinagawa ang operasyon nitong 14-20 Pebrero 2022 na nilahukan ng 16 himpilan ng pulisya ng QCPD. Batay …

Read More »

Big time pusher natiklo ng PDEA, QCPD sa P3.5M shabu

PDEA NCRPO P3.5M shabu QC

DINAKIP ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD) ang isang big time drug pusher makaraang makompiskahan ng P3.5 milyong halaga ng shabu sa buy bust operation sa lungsod. Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang nadakip na si Muslimin Mantil, 28 anyos, residente sa Poblacion Talitay, Maguindanao. Dakong 10:15 pm …

Read More »

Alexa at KD magkarelasyon na? — its like picture, it’s developing

Alexa Ilacad KD Estrada

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NILINAW nina Alexa Ilacad at KD Estrada na hindi pa sila mag-on pero espesyal sila sa isa’t isa. Ang paglilinaw ay isinagawa sa kanilang upcoming virtual fancon na Closer. Ani Alexa “Of course, there’s something blossoming. It’s like a picture. It’s developing.” Ani Aexa pinag-usapan nila ni KD na ‘wag silang magmadali na pumasok agad sa isang seryosong relasyon. “We really had …

Read More »

Julia nagbuyangyang na ng katawan — Tumatanda na ako eh, wala nang excuse magpa-cute

Julia Barretto

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HIYANG-HIYANG humarap si Julia Barretto sa isinagawang face to face presscon ng Bahay Na Pula noong Lunes ng gabi dahil ngayon lang uli siya humarap sa entertainment press. Halos dalawang taon nga rin naman kasing laging zoom media conference ang ginagawa niya. Anyway, matagumpay ang isinagawang screening ng Bahay Na Pula na idinirehe ni Brillante Mendoza at pinagbibidahan din nina Xian Lim at Marco Gumabao at mapapanood …

Read More »

Mandaluyong: ‘BBM-Sara’ country

Bongbong Marcos Sara Duterte Mandaluyong

MANDALUYONG CITY – Kita sa drone shots na napuno ang iba’t ibang kalsada sa Mandaluyong ng libo-libong mga tagasuportang dumalo sa grand rally ng BBM-Sara UniTeam noong 13 Pebrero 2022. Ayon sa pulisya, tinatayang mahigit 30,000 katao ang dumalo sa nasabing pagtitipon na pumuno sa kahabaan ng Nueve de Febrero, F. Martinez Avenue, at Fabella Road. Pawang nakasuot ng pulang …

Read More »

Sa ilalim ng Duterte Regime
RED-TAGGING KASUNOD NG ARESTO AT PAGPATAY, PADRON NG PANANAKOT  VS CHWs — HAHR

022222 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO MAY umiiral na padron ng pananakot sa pamamagitan ng red-tagging kasunod nito’y pag-aresto at pagpatay sa hanay ng mga manggagawang pangkalusugan sa bansa. Inihayag ito ni Dr. Reginald Pamugas, secretary-general ng Health Action for Human Rights (HAHR) kasunod ng pagdakip kay Dr. Maria Natividad “Doc Naty” Castro. “There is a menacing pattern of red-tagging, arrests and killing …

Read More »

Manilenyo nagliyab sa caravan nina Marcos at Lopez

Bongbong Marcos Alex Lopez

NAGLIYAB na parang apoy ang kulay ng mga Manilenyo sa ginanap na caravan ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila mayorality candidate Atty. Alex Lopez. Halos nagkulay pula ang buong Maynila sa ginanap na caravan at hindi na rin napigilan ang ibang Manilenyo na lumabas ng kanilang bahay para masilayan ang mukha, ngiti, at kaway nina Marcos at …

Read More »

PNP chief susunduin sa Balesin Island
ROOKIE COP PATAY, 2 SUGATAN SA BUMAGSAK NA PNP CHOPPER

PNP CHOPPER crash Balesin Island

ISANG bagitong pulis ang namatay habang dalawang opisyal ang sugatan nang bumagsak ang sinasakyang helicopter ng PNP sa bayan ng Real, lalawigan ng Quezon, nitong Lunes ng umaga, 21 Pebrero. Pumanaw ang ikatlong sakay ng helicopter na kinilalang si Pat. Allen Noel Ona habang nilalapatan ng paunang lunas ng paramedic rescuer sa crash site. Sugatan ngunit mapalad na nasagip sa …

Read More »

Sa Nueva Ecija
5 KRIMINAL TIMBOG, LOOSE FIREARMS ISINUKO

Arrest Posas Handcuff

SA PAGPAPATULOY ng kampanya laban sa krimen sa lalawigan ng Nueva Ecija, nasakote ng mga awtoridad ang limang kriminal at nasamsam ang dalawang baril mula sa kanila, nitong Linggo, 20 Pebrero. Ayon kay P/Col. Jess Mendez, acting provincial director ng Nueva Ecija PPO, nagsagawa ang mga tauhan ng Lupao MPS ng anti-illegal drugs buy bust operation sa Brgy. Parista, sa …

Read More »

Jaguar sinaksak ng selosong barangay ex-o

knife saksak

MALUBHANG nasugatan ang isang security guard matapos saksakin ng matandang opisyal ng barangay dahil sa selos, makaraang makitang binisita ng biktima ang babaeng nililigawan ng suspek sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Patuloy na inooserbahn sa Manila Central University (MCU) hospital ang biktimang kinilalang si Raul Baquirin, 55 anyos, residente sa Laura St., Brgy. Old Balara, Quezon City, sanhi ng …

Read More »

Kung mahahalal na Pangulo
ISKO ISUSULONG SUPORTA AT KANDILI SA BANGSAMORO

TINIYAK ni Presidential Candidate Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, patuloy niyang susuportahan ang Bangsamoro government at ang awtonomiya sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) kung siya ay mananalo sa May 9 national elections. “Kung saka-sakali, kung mapanghahawakan ninyo ang salita ko na kayo rito sa BARMM pumanatag kayo katulad no’ng sinabi ni Gov. Toto (Mangudadatu) kanina, ni …

Read More »

Demokrasya huwag hayaang mamatay muli sa ilalim ni Bongbong – Akbayan

Akbayan Partylist EDSA People Power Monument

HINDI maaaring mamatay sa ikalawang pagkakataon ang demokrasya! Ito ang sigaw ng mga batang miyembro ng Akbayan Partylist nang magtipon sa EDSA People Power Monument noong Linggo upang maagang gunitain ang ika-36 anibersaryo ng People Power Revolution laban sa yumaong diktador na si Ferdinand Marcos. Nakasuot ng itim na damit, naglagay sila ng anim na talampakang korona ng patay sa …

Read More »

Sa Laguna
PGT finalist muling nasakote sa ‘bato’

joven olvido

SA IKALAWANG pagkakataon, mulang naaresto ang “Pilipinas Got Talent” Season 6 third runner-up na si Mark Joven “Vape Lord” Olvido sa ikinasang drug buy bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Sta. Cruz, lalawigan ng Laguna, nitong Biyernes ng gabi, 18 Pebrero. Sa ulat ng Laguna PPO, dinakip si Olvido, 35 anyos, isang tricycle driver, sa Sitio Maunawain, Brgy. …

Read More »

RIDER SINITA SA COMELEC CHECKPOINT
Balisong, shabu nakumpiska

checkpoint

NAHAHARAP sa patong-patong na kaso ang isang lalaki matapos sitahin at dakpin sa paglabag sa batas-trapiko sa bayan ng Pandi, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 19 Pebrero. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang suspek na si Robertson Estrella, residente sa Brgy. Siling Bata, sa naturang bayan, na naaresto sa …

Read More »

Drug den sa Subic sinalakay, 4 suspek nasakote

arrest, posas, fingerprints

ARESTADO ang apat na indibiduwal sa loob ng isang pinaniniwalaang drug den sa bayan ng Subic, lalawigan ng Zambales na nasamsaman ng halos P102,000 halaga ng hinihinalang shabu, nitong Biyernes ng gabi, 18 Pebrero. Inilunsad ang entrapment operation laban sa mga suspek ng magkatuwang na mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Zambales at Zambales PPO. Sa ulat, kinilala …

Read More »

Puganteng most wanted sa Bulacan tiklo sa Tarlac

arrest prison

PINURI ng top cop ng Central Luzon na si P/BGen. Matthew Baccay ang pulisya sa kanyang nasasakupan, sa matagumpay na pagkakadakip ng isa sa itinuturing na national most wanted person sa isinagawang manhunt operation sa bayan ng Bamban, lalawigan ng Tarlac nitong Biyernes, 18 Pebrero. Sa ulat ni P/Col. Erwin Sanque, acting provincial director ng Tarlac PPO, dahil mapanganib na …

Read More »

Mangingisdang rapist timbog sa manhunt

arrest posas

NADAKIP ng mga awtoridad ang naitalang no. 10 most wanted person ng CALABARZON PNP sa ikinasang joint manhunt operation sa bayan ng Sablayan, lalawigan ng Occidental Mindoro, nitong Biyernes ng hapon, 18 Pebrero. Iniulat ni Laguna PPO acting Provincial Director P/Col. Rogarth Campo kay PRO4-A PNP Regional Director P/BGen. Antonio Yarra, ang pagkakaaresto sa suspek na kinilalang si Charlie Mejino, …

Read More »
Krystall Herbal Products and FGO Branches