Monday , August 8 2022
Shinzo Abe

Dalamhati at huling pagpupugay kay dating Japan PM Shinzo Abe 

NANANATILING naka haft mast ang bandila ng Japan sa Japanese Embassy sa Roxas Blvd, Pasay City bilang pafgdadalamhati sa pagkamatay ng dating Prime Minister Shinzo Abe.

Kasabay ng pag-alay ng bulaklak at paglagda ng dalawang libro sa loob ng Japanese Embassy ng mga opisyal ng Embahada ng Japan sa Filipinas, dumalo rin ang mga opisyal mula sa iba’t ibang Embahada ng ibang bansa bilang pakikiramay sa yumaong prime minister ng Japan matapos sumpakin ng nag-iisang suspek.

Mahigpit ang seguridad na ipinatutupad ng Japanese Embassy kaya limitado ang pinapayagang makapasok sa loob ng Embahada mula sa mga opisyal at media.

Pinapayagang kumuha ng retrato at video ang mga mamamahayag ngunit hindi maaaring kunan ang mga mukha ng mga opisyal at mga bisita ng Japanese Embassy. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

dead gun police

Kaanak ng suspek sa Ateneo shooting  itinumba

PINASLANG ang isa pang kaanak ng suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University na …

Bulacan Police PNP

3 wanted criminal nasakote, 6 astig na pasaway lumambot

ARESTADO ang tatlong indibidwal na pinaghahanap ng batas at anim na iba pa sa ikinasang …

PNP PRO3

23 sugarol timbog sa Central Luzon

SA PAGPAPATULOY ng PRO3 PNP sa kanilang hakbang laban sa illegal gambling, iniulat ni Regional …

Rice, Bigas

P20/kilong bigas nabibili sa Botolan, Zambales

NAKABIBILI na ng P20 kada kilo ng bigas ang mga residente sa bayan ng Botolan, …

Bustos Dam

Bustos Dam nagpakawala ng labis na tubig

DAHIL sa walang tigil na pag-ulan, nagpakawala ng 226 cubic meters ng tubig kada segundo …