Saturday , May 18 2024

Masonry Layout

Remulla ‘nasabat’ sa P1.3-M ‘kush Marijuana’

marijuana

ISANG parcel na naka-consign sa isang Juanito Jose Diaz Remulla III, ang hindi nakalusot sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA -Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) nang isailalim sa controlled delivery mula sa Amerika ang mahigit isang milyong pisong ‘kush marijuana’ na ipinadala sa bansa. Ang suspek na consignee, si Remulla, 38 anyos, ay residente …

Read More »

Bread and Pastry Training NC II sa Sta. Maria

Bread and Pastry Training NC II

NAGLABAS ng paanyaya si Mayor Cindy Carolino ng Sta. Maria, Laguna sa pagpapatuloy Bread and Pastry Training NCII, may nakalaang 25 slots para sa mga gustong madagdag ng kasanayan at magdagdag ng kaalaman para makapagbibigay ng mas maraming oportunidad upang bumuti ang antas ng kanilang pamumuhay. Hangad ni Mayor Carolino, sa pamamagitan ng pagsasanay na ito ay magbukas ang maraming …

Read More »

Pagsanjan, Laguna nakatakdang maging ‘kapatid’ ng Haeundae-gu,South Korea

Pagsanjan, Laguna nakatakdang maging ‘kapatid’ ng Haeundae-gu South Korea

ITINUTURING na isang karangalan ni Mayor Cesar Areza na maging “kapatid” ng lungsod ng Haeundae-gu, South Korea ang bayan ng Pagsanjan, sa lalawigan ng Laguna. Sinalubong ng alkalde nitong Martes, 11 Oktubre, ang mga opisyal ng Haeundae-gu na sina Kang Jinsu, Sen Sungwon, Kim Sungsoo, at Choi Myounjin para sa pulong na ginanap sa CLA Mall kaugnay sa “Haeundae-gu – …

Read More »

Sa Bataan
3 PATAY, 34 SUGATAN SA BUS NA SUMALPOK SA OIL TANKER NA WALA SA LINYA

road accident

NAGBUWIS ng buhay ang tatlo katao, habang sugatan ang 34 iba pang pasahero nang sumalpok sa isa’t isa ang pampasaherong bus at oil tanker sa Roman Highway, bayan ng Abucay, lalawigan ng Bataan, madaling araw ng Miyerkoles, 12 Oktubre. Kinilala ni P/Maj. Dennis Duran, hepe ng Abucay MPS, ang mga biktimang namatay na sina Walter Buenaventura, 50 anyos, driver ng …

Read More »

Bahay sa Albay nilooban
HIGH SCHOOL PRINCIPAL BINARIL NG KAWATAN

Gun Fire

PATAY ang isang 56-anyos high school principal nang barilin ng hinihinalang mga magnanakaw sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Napo, bayan ng Polangui, lalawigan ng Albay, nitong madaling araw ng Miyerkoles, 12 Oktubre. Kinilala ni P/Lt. Col. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng PRO- PNP, ang biktimang si Beverly Ubante Cabaltera, 56 anyos, residente sa Napoville Subdivision, Brgy. Napo, sa …

Read More »

Sa Pandi, Bulacan
OUTPATIENT CLINIC NG PDH BUKAS NA

Pandi District Hospital Outpatient Clinic

MAS MABILIS nang matatamasa ang serbisyong medikal ng mga Pandieño sa opisyal na pagbubukas ng Outpatient Clinic ng Pandi District Hospital nitong Lunes, 10 Oktubre sa Brgy. Bunsuran 1st, sa naturang bayan. Pinangunahan nina Bulacan Gov. Daniel Fernando at Vice Gov. Alexis Castro ang pagbubukas ng 25-bed capacity out-patient clinic na paunang magkakaloob ng out-patient services kasama ang dalawang pansamantalang …

Read More »

P149-K shabu nasabat 2 tulak timbog, 10 pa naiselda

shabu drug arrest

TINATAYANG nasa 22 gramo ng hinihinalang shabu ang nasamsam mula sa dalawang pinaniniwalaang mga notoryus na tulak sa pagkilos laban sa krimen ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Miyerkoles ng umaga, 12 Oktubre. Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PNP, inaresto ang dalawang suspek sa buy-bust operation na ikinasa ng mga operatiba ng Calumpit …

Read More »

Sa Bulacan
7 PUGANTE TIKLO SA MANHUNT

Bulacan Police PNP

SUNOD-SUNOD na nadakip ng mga awtoridad ang pitong indibidwal na pawang nagtatago sa batas sa serye ng manhunt operations sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 11 Oktubre. Sa pinaigting na manhunt operation ng San Jose del Monte CPS katuwang ang 2nd PMFC, 301st RMFB3, 3rd SOU – Maritime Group at PHPT Bulacan, unang naaresto ang dalawang puganteng kinilalang sina Mark …

Read More »

Kate pursigidong maiuwi ang 2022 Little Miss Universe crown

Kate Hillary Tamani Little Miss Universe

MATABILni John Fontanilla PALABAN ang pambato ng Pilipinas sa 2022 Little Miss Universe na gaganapin sa Dubai sa October 24 na si Little Miss Universe-Philippines Kate Hillary Tamani. Kasamang magtutungo ng Dubai ni Kate ang reigning Little Miss Universe 2021 na si Marianne Beatriz Bermundo para magsasalin ng korona sa mananalong Litte Miss Universe. Ibinahagi ni Kate ang kanyang adbokasiya, ang pagtulong sa kapwa at magbigay inspirasyon sa mga katulad niyang …

Read More »

Marianne at Hillary lilipad sa Dubai para sa Little Miss Universe 2022

Kate Hillary Marianne Biatriz Bermundo

MATABILni John Fontanilla MAGKASAMANG aalis papuntang Dubai sa October 24 sina 2021 Little Miss Universe, 2022 Asian Business Excellence Awards Most Outstanding Teen Model Marianne Biatriz Bermundo at 2022 Little Miss Universe- Philippines Kate Hillary Tamani para sa 2022 Little Miss Universe. Ipapasa ni Marianne ang kanyang korona sa hihiranging 2022 Little Miss Universe, samantalang si Kate naman ang pambato ng Pilipinas. Kasamang pupunta ng Dubai ang very supportive mom …

Read More »

‘Hijacking’ sa Comelec?
‘BILYONARYO’ MULA SA OLAT NA PARTYLIST PINANUMPANG MAGSASAKA REP           

101322 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO LANTARANG pambababoy sa batas at partylist system ang ginawang pagpoproklama ng Commission on Elections (Comelec) sa talunang partylist nominee bilang kinatawan nang nagwaging Magsasaka partylist. Inihayag ito ni dating Magsasaka partylist Rep. Argel Cabatbat kahapon sa isang press conference sa Quezon City matapos iproklama ng Comelec si Robert Nazal, Jr.,  bilang kinatawan ng Magsasaka partylist kahit siya’y …

Read More »

Supply ng koryente ipinatitiyak sa Meralco

electricity meralco

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Manila Electric Company (Meralco) na tiyakin ang tuluy-tuloy na supply ng koryente para sa mga customer nito kasunod ng desisyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) na tanggihan ang petisyon para sa pagtataas ng singil na inihain ng Meralco at ng power-generation arm ng San Miguel Corporation (SMC). “Bilang contracting party ng power supply agreement, …

Read More »

PH ‘blacklist’ sa China pinanindigan ni Zubiri

PHil pinas China

NANINDIGAN si Senate President Juan Miguel  Zubiri na hindi niya babawiin at hihingi ng paumanhin sa kanyang naging pahayag na blacklisted ang Filipinas sa China bilang tourist destination batay sa pakikipag-usap niya kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian. Iginiit ni Zubiri, hindi siya marites at magkakalat ng fake news o maling impormasyon sa taong bayan. Binigyang-linaw ni Zubiri …

Read More »

DILG rerepasohin, local government code, e-trikes regulation

INIHAYAG ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang planong pagsasagawa ng pagsusuri sa Local Government Code of 1991, gayondin ang regulasyon sa mga electric tricycle. “Meron talagang mga provisions sa local government code na talagang dapat i-review at pag-usapan nang husto,” pahayag ni DILG Secretary banjamin “Benhur” Abalos, Jr., sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay. Kabilang …

Read More »

FM Jr., tutok vs POGO

Bongbong Marcos BBM

TINUTUTUKAN ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang mga usapin kaugnay ng Philippine Offshore Gaming Operations. Ayon kay Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil, inatasan ng Palasyo ang Philippine National Police (PNP) na pigilan at kontrolin ang mga krimen na kaakibat ng operasyon ng POGO sa bansa. “Of course the President is closely monitoring this and as far as the President is …

Read More »

Binatang staff ng fast food chain itinumba ng selosong pulis

gun QC

SELOS ang hinihinalang dahilan kaya binaril hanggang mapatay ng isang pulis sa harap ng kaniyang misis ang kasamahang service crew sa Chowking food chain sa Quezon City, nitong Martes ng gabi. Kinilalang ang biktimang si Jasper Tapic Dayaco, 30 anyos, residente sa Don Manuel St., Brgy. Salvacion, Quezon City. Hinihinalang suspek ang mag-asawang nakatakas na kinilalang sina P/Cpl. Benjamil Romoros …

Read More »

Barangay, SK elections iniliban hanggang Oktubre 2023

L sign Loser Vote Election

IPINAGPAGLIBAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang barangay at Sanggunian Kabataan elections sa Oktubre 2023 imbes 5 Disyembre 2022. Alinsunod sa Republic Act No. 11935 na nilagdaan ni FM Jr., noong 10 Oktubre 2022, idaraos ang halalan sa huling Lunes ng Oktubre 2023. Si presidential sister at Sen. Imee Marcos ang nagtulak sa pagpapaliban ng halalan sa paniniwalang may …

Read More »

P1.3-M ‘damo’ nasamsam, teenager arestado sa buy-bust sa Davao

marijuana

NASUKOL ng mga awtoridad ang ang isang senior high school student sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya sa Purok 3, Sitio Habana, Brgy. Catigan, Toril District, sa lungsod ng Davao, nitong Lunes, 10 Oktubre. Narekober ang aabot sa P1.3-milyong halaga ng hinihinalang marijuana mula sa suspek na nakatalang no. 1 sa drug watchlist sa …

Read More »

25 katao biktima ng red tide sa Masbate

red tide

DINALA sa pagamutan ang hindi bababa sa 25 indibiduwal, kabilang ang apat na menor de edad, nitong Lunes, 10 Oktubre, matapos malason sanhi ng red tide sa bayan ng Milagros, lalawigan ng Masbate. Ayon kay Dr. Allen Concepcion, manggagamot ng rural health center ng Milagros, 10 residente mula sa liblib na barangay ng Bangad ang dinala sa kanila habang 12 …

Read More »

P306-K shabu nasabat, mekaniko tiklo sa drug bust

shabu drug arrest

DINAKIP ang isang mekanikong hinihinalang drug peddler na nakompiskahan ng malaking halaga ng shabu sa isinagawang anti-illegal drug operation sa bayan ng Bocaue, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 9 Oktubre. Ikinasa ng mga operatiba ng RPDEU3 SCU3-RID ang buy-bust operation sa Gov. F. Halili Ave., Brgy. Binang 2nd, sa nabanggit na bayan kung saan naaresto ang suspek na kinilalang si …

Read More »

Hamong suntukan inayawan  
SIGA NANAKSAK TIKLO

knife, blood, prison

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaking nagtitigas-tigasan sa kanilang lugar matapos saksakin ang isang kabarangay at manlaban sa mga tanod sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 10 Oktubre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, kinilala ang arestadong suspek na si Joselito De Dios, residente sa Brgy. Abangan Sur, sa nabanggit …

Read More »

Inuman sa lamay nauwi sa isa pang paglalamayan
KUYA TINAGA NG KAPATID, DEDBOL 

itak gulok taga dugo blood

BINAWIAN ng buhay ang isang 26-anyos magsasaka matapos tagain ng nakababatang kapatid nitong Lunes, 10 Oktubre, sa bayan ng Basey, lalawigan ng Samar. Kinilala ang biktimang si Erwin Padoc at kanyang kapatid na suspek na si Merwin Padoc, pawang mga residente sa Brgy. Bulao, sa nabanggit na bayan. Ayon sa paunang imbestigasyon, nag-iinuman ang magkakapatid sa burol ng isang kaanak …

Read More »

Jonathan Manalo Most Streamed Pinoy Songwriter at Producer 

Jonathan Manalo

NAKAPAGTALA ng mahigit sa 1.4 billion streams sa Spotify ang musika ni Jonathan Manalo kaya’t siya na nga ang most streamed Filipino songwriter and record producer of all time. At tiyak na masusundan pa ang tagumpay na ito sa paglulunsad niya ng bagong bersiyon ng kanyang mga awitin na binigyang-buhay ng OPM divas na sina Gigi De Lana, Jona, Kyla, Morissette, at Nina.  Ang Di Ko Kayang Limutin ni …

Read More »

Jessa ‘di totoong tinanggalan ng korona 

Jessa Macaraig 

MATABILni John Fontanilla MARIING pinabulaanan ng kapapanalo pa lang na Mrs. Universe Philippines Pacific Continental 2022 na si Jessa Macaraig na natanggalan siya ng korona. Kuwento ng ka-look-alike ni Angel Locsin sa mini-presscon na siya ang nagbalik ng korona sa Mrs Universe Philippines Organization. Hindi na kasi niya afford ang maglabas pa ng malaking halaga para lumaban sa international pageant. “Parang hindi naman po ganoon ang nangyari  …

Read More »