Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
WILD WILD After Party

Pinaka-Wild na show ng taon darating sa ‘Pinas

SA kauna-unahang pagkakataon, ang electrifying WILD WILD After Party ay darating na sa Maynila. Kaya ihanda ang sarili para sa isang high energy concert ng isang all-male sexy group mula Korea.

Tiyak na ang musical experience na ito ay hindi lamang para sa mga babae bagkus para rin sa lahat ng gustong maranasan ang kasiyahan ng “WILD WILD” na mapapanood sa Mayo 24 sa The New Frontier Theater, Cubao, Quezon City.

Isang gabing punompuno ng energy, karisma, at Oppa Fever ang tiyak na magaganap.

Maging bahagi ng excitement sa pagtatanghal ng WILD WILD na nagde-debut sa Manila bilang bahagi ng kanilang electrifying Asia tour. Ihanda ang sarili na ma-engganyo sa isang nakabibighaning sayawan, atletisismo, at purong karisma ng mga miyembro ng naturang grupo. 

Asahan ang isang karanasan na puno ng mga nakasisilaw na tanawin at raw  intensity. Kaya huwag palampasin ang Manila premiere ng maiinit na kaganapang ito.

Ito ay may dalawang Exclusive Shows: Women-Only Show – Isang one-night-only para sa kababaihang nais na makasama ang iyong paboritong Oppas at ang All-Gender Show –  na bukas para sa lahat na gustong manood.

Mabibilis ang tiket sa www.ticketnet.com.ph— Wild – PHP 8,500; Untamed – PHP 7,500;  Intense – PHP 6,500; Electrify – PHP 5,500; at Modest – PHP 4,500.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …