Thursday , June 4 2026
Neri Colmenares
KOMPIYANSA si Bayan Muna Partylist representative Neri Colmenares, isa sa mga pangunahing nagrereklamo sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte, na matibay ang hawak nilang ebidensiya. Panauhin sa Kapihan sa Manila Bay media forum sa Café Adriatico, Malate, Maynila, kahapon, Miyerkoles, ipinunto ni Colmenares sa host moderator na si Marichu Villanueva, dapat ay naaksiyonan agad ng Senado ang reklamo bago nagbakasyon ang Kapulungan. (BONG SON)

Ebidensiyang hawak malakas — Colmenares
PROSEKUSYON KOMPIYANSA, VP SARA TALSIK SA PUWESTO

042425 Hataw Frontpage

TIWALA si dating Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares na mapatatalsik sa puwesto si Vice President Sara Duterte kaugnay ng kasong impeachment complaint na isinampa laban sa ikalawang mataas na opisyal ng bansa.

Inihayag ni Colmenares sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay, sa Café Adriatico, malate, Maynila, malakas ang kasong isinampa at inihain nila laban sa bise presidente kung kaya’t sinuportahan ito ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Tinukoy ni Colmenares, sa loob nang halos limang buwan ay wala pa rin naibibigay na paliwanag ang tanggapan ng bise president kung paano nalustay ang P125 bilyong intelligence funds sa loob lamang ng labing-isang araw.

Binigyang diin ni Colmenares, hindi malinaw paliwanag ng kampo ni Duterte sa mga naging pagdinig ng Kamara ukol sa isyu.

Tiniyak ni Colmenares na mayroon silang sapat na ebidensiya upang patunayan na nagkaroon ng pag-abuso sa kapangyarihan sa paglustay ng pera ng  bayan.

Handa rin si Colmenares na maging bahagi ng 11-man team prosecutor panel kung itatalaga siya ng house speaker upang sa ganoon ay higit niyang maidepensa ang reklamo laban sa bise presidente.

Magugunitang minsan na rin naging bahagi ng prosecutor team si Colmenares noong impeachment trial laban kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Kaugnay nito, naniniwala si Colmenares na ‘inupuan’ ng Senado ang inihaing reklamo laban sa bise upang hindi maapektohan  ang kandidatura ng mga re-eleksiyonistang senador.

Naniniwala si Colmenares na maaaring bigyang pansin ng mga senador ang impeachment complaint kung gugustuhin dahil may natitira pa namang 12 senador na maaaring umaksiyon. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …