Saturday , May 21 2022

Blog List Layout

Erap pinag-iingat kay Jaime Dichaves

ISANG grupo ng mga negosyante na sinabing malapit kay Erap ang nagbabala na dapat niyang iwasan ang isang tao na naging mitsa ng pagkalaglag niya sa kapangyarihan . Inihayag ito ng nasabing grupo nang kumalat sa isang social networking site na isang babae, umamin na siya ay isang guest relations officer (GRO), na siya umano ay ipinangregalo ng negosyanteng si …

Read More »

2 HIV carrier hinahanap ng Laoag City LGU officials

MAKARAANG mapaulat na dalawa sa apat na positibong carrier ng HIV virus ay nasa Laoag City, inaalam ngayon ng pamahalaang lungsod ang kanilang pagkakakilanlan. Bunsod nito, pinag-iingat ng Laoag City government ang publiko upang hindi na madadagdagan pa ang bilang ng apektado nito. Ayon kay Mayor Chevylle Fariñas, nais nilang malaman mula sa Provincial Health Office ang pagkakakilanlan ng dalawa …

Read More »

P1.5-M/buwan kinikita ng senators — Miriam

IBINULGAR ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na umaabot sa P1.5 million ang maaaring kitain ng isang senador bawat buwan kahit pa nasa P90,000 lamang ang basic monthly salary nila. Aniya, ito ay dahil sa mga benepisyong ibinibigay sa mga senador buwan-buwan kabilang na ang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE), committee chairmanships at iba pa. “The basic monthly salary of a …

Read More »

6-anyos totoy naihaw sa sunog

NATUSTA ang isang paslit nang makulong sa loob ng nasusunog na bahay sa Brgy. Pamulogan, Cabatuan, Iloilo. Halos kasing laki na lamang ng bote ng softdrink ang biktimang si John Paul Montilla, 6, nang matagpuan ang kanyang sunog na bangkay. Nabatid na kasama ng biktima ang kanyang 60-anyos lola na si Heldita Lorca na nakatira sa bahay ngunit nang sumiklab …

Read More »

Bagets na akyat-bahay gang timbog

LIMANG menor-de-edad  na miyembro ng B12 Gang (Batang Dose), ang naaresto matapos  masundan ng kanilang pinagnakawan sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi . Isang alyas Pampi, 13-anyos, tumatayong lider ng grupo, kasama ang apat pang  menor-de-edad na sinabing sakit ng ulo sa kanilang barangay sa Bagong Barrio, ang dumayo pa sa Batangas para magnakaw. Sa salaysay ng biktimang si Evelyn …

Read More »

Kilabot na LBC gang arestado sa ospital

INARESTO ng Manila Police District ang 26-anyos lalaki na  miyembro ng kilabot na LBC gang sa Metro Manila, kamakalawa. Kinilala ang suspek na si Charben Duarte,  binata, jobless, ng 379 Northbay Blvd., Navotas City, ay isinailalaim sa hospital arrest sa  Caloocan Medical Center. Positibong kinilala ng mga empleyado ng LBC Pureza,  Sampaloc, Maynila branch na sina Arlyn Medndoza at Mark …

Read More »

Pambabastos ni Brillantes sa senior citizens, pinalagan pa

Sinuportahan ng mga senior citizen sa iba’t ibang panig ng Filipinas ang pagsasampa ng kasong contempt sa Supreme Court (SC) ni dating Rep. Godofredo Arquiza ng Senior Citizens Party-List laban kina Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes, Jr., Commissioners Lucenito Tagle at Elias Yusoph sa hindi pagpoproklama sa kanya kahit matagal na itong iniutos ng SC. Ayon kina Rodolfo …

Read More »

8 kawatan arestado sa hideout

Arestado ang walong hinihinalang miyembro ng sindikatong sangkot sa pagnanakaw sa Sta. Maria Street, Sta. Ana, Maynila, Martes ng madaling araw. Sinugod ng Mandaluyong Police ang hide-out ng mga suspek sa bisa ng dalawang search and arrest warrant ng Mandalauyogn RTC 209 laban sa Anovar-Abraham robbery-holdup group. Responsable umano ang grupo sa mga nakawan at panghoholdap sa mga bus at …

Read More »

Bitay sa alien isusulong

ISUSULONG ng dalawang mambabatas na maparusahan nang mas mabigat na parusa ang mga dayuhan na lumalabag sa batas, katulad ng bitay. “While there is no reason to question the laws of foreign countries, we must ensure that our countrymen do not suffer the short end of the stick,” giit ni Rep. Rufus Rodriguez at ng kanyang co-author na si Rep. …

Read More »

DoJ pasok sa kaso ni Vhong

TINIYAK ni Justice Secretary Leila de Lima ang patas na imbestigasyon hinggil sa kaso ng TV host-actor na si Vhong Navarro at modelong si Deniece Cornejo. Binigyang-diin ni De Lima na magkakaroon ng hustisya sa nangyari dahil tinututukan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang bawat anggulo at motibo ng pambubugbog kay Navarro at maging ang alegasyong attempted rape …

Read More »

Cornejo, Lee nagsalita na

MANILA – Nagsalita na rin ang modelong si Deniece Millinette Cornejo sa isang ekslusibong panayam ng ABS-CBN News nitong Lunes, at pinagdiinan na siya—at ‘di ang host-actor  Vhong Navarro – ang biktima sa naganap na insidente sa kanyang condominium unit sa The Fort, Taguig. Kasama ang magkapatid na Cedric at Bernice Lee, sinabi ni Cornejo na maghahain siya ng reklamo …

Read More »

Blotter vs Vhong maraming lapses

May duda ang kampo ng “It’s Showtime” host, Vhong Navarro, kung maayos bang natugunan ng mga awtoridad ang kaso nang ilapit sa istasyon ng pulisya ang  pambubugbog. Sa panayam kay Dennis Manalo, abogado ng Kapamilya host, hindi nito hinuhusgahan ang mga pulis na unang umasikaso sa insidente, pero kung babasehan  ang salaysay ng biktima, may “lapses” na masisilip. Sa salaysay …

Read More »

‘Holdap Me’ ng messenger buking (Swak sa qualified theft)

NABUKING ang  messenger ng isang kompanya ng Manila Police District (MPD) na “holdap me,” nang marekober ang US$6,600 sa dala niyang motorsiklo, sa  Sta. Cruz, Maynila, iniulat kahapon Kinilala ang suspek na si Ivan John Español, 23-anyos,  messenger ng Mariveles Grain Corporation, ng 5755 Tramo Street , San Dionisio, Parañaque City . Ayon kay  P03 Arlando L. Bernardo ng MPD …

Read More »

Mag-amang Bombay binistay, erpat patay

PATAY ang isang Indian national habang sugatan ang kanyang anak makaraang tambangan habang sakay ng kanilang SUV sa Batac City. Kinilala ang napatay na si Abtar Deep Radhawa Singh, 55, may asawa, habang sugatan ang anak niyang si Aaron Deep Radhawa Singh, 28, kapwa residente ng Brgy. Aglipay. Sa imbestigasyon ng pulisya, papasok na sana sa kanilang compound ang sinasakyang …

Read More »

Pugante patay sa shootout (3 pa arestado)

AGAD namatay ang takas na bilanggo makaraan makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad na aaresto sa kanya sa Road 1, Brgy. Minuyan 2, sa Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan. Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Bulacan PNP Director, Senior Supt. Joel Orduna, kinilala ang napatay na si Russel Arceo, 31, residente ng  #561 Villa Angelina Subd., Sto. …

Read More »

Sidewalk vendor wagi ng P6-M sa Lotto

NANALO ng P6 milyon jackpot prize sa 6/42 Lotto ang isang sidewalk vendor sa Caloocan City. Ayon sa ulat, ang 57-anyos ginang na sidewalk vendor ay nanalo ng P6 milyon makaraang mahulaan ang winning combination na 8-14-24-36-37-42 nitong Enero 14. Kinobra niya ang kanyang premyo kahapon ng umaga. Sinabi ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Ma-nager Jose Ferdinand Rojas, …

Read More »

SALOT NA VIDEO KARERA. Iniharap sa media ni …

SALOT NA VIDEO KARERA. Iniharap sa media ni Supt. Christian dela Cruz, commander ng MPD Station 4, ang illegal video karera machines makaraang masamsam sa anti-illegal gambling operation sa Sampaloc, Maynila. Inaasistehan siya ni PO3 Rizal Belmonte ng Anti-Crime Unit, sa pag-iinspeksyon sa nasabing mga makina. (BONG SON)

Read More »

Cedric Lee, model GF bumaboy bumugbog kay Vhong

MATAPOS pagpiyestahan sa kalabang estasyon ang istoryang ‘panggagahasa’ ng isang noontime TV program host sa isang modelo, binasag na ng nasasangkot ang katahimikan at tahasang pinangalanan ang isang negosyante at nobyang modelo na sinabing pamangkin ng isang televison network top brass sa bansa. Ang  pagbubunyag, ay lumuluhang inilahad ni Ferdinand Navarro a.k.a. Vhong Navarro, isa sa mga main host ng …

Read More »

Vendors sa Carriedo umalma vs sindikato

MAGSASAMA-SAMA ang mga lehitimong vendor sa Carriedo at Hidalgo streets sa Maynila upang isumbong kay Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang dinaranas nilang panggigipit ng isang kuwestiyonableng organisasyon sa pakikipagsabwatan ng ilang matataas na opisyal ng City Hall at Manila Police District (MPD). Batay sa sinumpaang salaysay ng mga vendor, sa naganap na pulong nila kina Erap, Monsignor Glen Ignacio, …

Read More »

15.8 ºC naitala sa Metro

Lalo pang lumamig ang temperatura sa Metro Manila matapos bumagsak sa 15 degrees Celsius level kahapon, dahil sa Amihan. Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather forecaster Aldczar Aurelio sa monitoring ng temperaruta sa PAGASA Science Garden sa Quezon City, pumatak sa 15.8 degrees Celsius ang temperatura dakong 4:50 kahapon ng madaling araw. Mas malamig ito …

Read More »

Diplomat sa Sabah dinagdagan ng PH Embassy

NAGPADALA ng karagdagang diplomat ang Philippine Embassy sa Sabah, Malaysia dahil sa report na pag-aresto sa mga Filipino na kabilang sa illegal migrants, kaugnay sa ipinatutupad na crackdown ng nasabing bansa. Ayon kay Consul Gen. Medardo Macaraig, wala pa ring opisyal na report na naipadala ang Malaysian authorities kaugnay sa bilang ng mga nahuling Filipino workers na walang kaukulang dokumento. …

Read More »

Big boss na tulak 7 tauhan timbog sa drug raid

ARESTADO ang walo katao kabilang ang kanilang big boss, makaraan makompiskahan ng 300 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2 milyon, sa isinagawang operasyon ng mga awtroidad kamakalawa ng gabi sa Guagua, Pampanga. Sa ulat ni Central Luzon Police Director, Chief Supt. Raul Petra Santa, huli sa akto ng pagbebenta ng illegal drugs si Allan Adriano, alyas Tom, 45, sinasabing …

Read More »

Swedish king bumisita sa Yolanda survivors

TACLOBAN CITY – Mainit na sinalubong ng mga survivor ng bagyong Yolanda sa Tacloban City at lalawigan ng Leyte ang hari ng Sweden na si King Carl XVI. Dakong 9 a.m. kahapon nang dumating sa Tacloban City airport ang hari ng Sweden na sinamahan ni Vice Pres. Jejomar Binay. Kabilang sa mga sumalubong kay King Carl XVI ay si Tacloban …

Read More »