Friday , October 7 2022

27 sachet ng shabu kompiskado sa mag-asawa

CAUAYAN CITY, Isabela – Nasa 27 sachet ng hinihinalang shabu ang nakompiska isang mag-asawa sa follow-up operation ng Cauayan City Police Station sa Santiago City, Isabela kahapon.

Kinilala ang mga nadakip na sina Walter Esparagosa, 32, at Maricar, 26, kapwa residente ng Brgy. Rizal, Santiago City.

Nakuha sa pag-iingat ng mag-asawa ang 27 plastic sachet ng shabu kapalit ng P2,000 bilang buy bust money at apat cellphones na ginagamit sa kanilang transaksiyon.

Naganap ang transaksiyon sa Purok 3, Brgy. Mabini, dakong 3:00 pm kahapon.

Una rito, nahuli sa drug buy bust operation sina Mickey Mangunay, 26, at Mark Sherwin Blas, 31-anyos.

Ibinunyag nina Blas at Mangunay na sa mag-asawa nila kinukuha ang illegal na droga.

Agad nagsawa ng follow-up operation ang Cauayan City Police Station na nagresulta ng pagkakadakip sa mag-asawang Esparagosa.

About hataw tabloid

Check Also

Fake Cigarette, yosi, sigarilyo

Sa Bulacan
NAGPAPAKALAT NG PEKENG YOSI KINALAWIT

NALAGASAN ng isang miyembro ang mga nagpapakalat ng pekeng sigarilyo sa Bulacan matapos madakip ang …

May kasong murder AWOL NA PULIS TIMBOG

May kasong murder
AWOL NA PULIS TIMBOG

ARESTADO ang isang dating pulis na nag-AWOL (Absence without Official Leave) sa isinagawang manhunt operation …

Trixie Cruz-Angeles Mike Toledo Gilbert Remulla Cesar Chavez

3 Media big shots pinagpipiliang Press secretary

TATLONG nagmula sa media industry ang mga kandidatong susunod na Press Secretary ng administrasyong Marcos, …

100622 Hataw Frontpage

SPD may namumuong lead
AMBUSH NG BETERANONG BROADCAST JOURNALIST INAASAHANG MAY RESULTA SA LOOB NG 24-ORAS

ni MANNY ALCALA IPINAHAYAG ng Southern Police District (SPD) na nakakuha na sila ng lead …

gun shot

Nagdala ng ‘boga’ sa paaralan, binatilyo dinakip

INARESTO ng mga awtoridad ang isang binatilyong mag-aaral sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan …

Leave a Reply