Wednesday , April 24 2024

Blog List Layout

Baguio City nilindol  

NIYANIG ng magnitude 4.1 na lindol ang Baguio CIty nitong Martes ng umaga. Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, dakong 7:14  a.m. nang tumama ang lindol sa layong 13 kilometro timog-silangan ng mismong lungsod.  Nasa lalim lamang na 13 kilometro ang sentro ng tectonic na lindol. Nadama ang intensity 4 na pagyanig sa Baguio City at La Trinidad, Benguet habang …

Read More »

Guro, non-teaching personnel walang pasok sa EDSA anniv (Bukod sa estudyante)

NILINAW ng Department of Education (DepEd) na bukod sa mga estudyante, wala rin pasok ang mga guro at staff ng mga eskwelahan ngayong Miyerkoles, Pebrero 25 dahil sa anibersaryo ng Edsa People Power. Sa memorandum ni DepEd Undersecretary Rizalino Rivera, nakasaad na bagama’t may pasok ang mga manggagawa, lahat ng school-based personnel ng mga pampublikong paaralan ay hindi na kailangang …

Read More »

P10-M para sa 4Ps muntik matangay sa CamNorte

MUNTIK nang matangay ang halos P10 milyong cash makaraan holdapin ang manager ng rural bank sa Sta. Elena, Camarines Norte kamakalawa. Para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang nasabing pera na bitbit ni Agapito Sale, manager ng Rural Bank of Sta. Elena, at anak na si Alfere, loan officer sa banko. Ayon kay Chief Insp. Juancho …

Read More »

Dismissal ng PMA vs Cudia pinagtibay ng SC

PINAGTIBAY ng Supreme Court kahapon ang dismissal kay Cadet Jeff Aldrin Cudia mula sa Philippine Military Academy (PMA). Sa ruling, sinabi ng SC na hindi nilabag ng PMA ang karapatan ni Cudia sa due process nang ipatupad ang ‘rules on discipline’, kabilang ang Honor Code, dahil sa pagsisinungaling. Sinabi ng high tribunal, ang kaso ay “subsumed under (PMA’s) academic freedom …

Read More »

Piskal ng Vizcaya nag-suicide?

CAUAYAN CITY, Isabela – Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa Solano, Nueva Vizcaya sa pagkamatay ni Fiscal Samuel Dacayo na namatay makaraan isugod sa ospital dahil sa tama ng bala sa kanyang ulo. Hindi pa mabatid kung ano ang tunay na dahilan ng kanyang pagkamatay dahil sa sinasabing siya ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo habang unang napaulat …

Read More »

PNoy, 8 gabinete ‘nanligaw’ sa House Leaders (Habang nililinis ni Purisima sa Senado)

MAHIGIT apat na oras kinombinsi  ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga kongresista sa pangunguna ni Speaker Feliciano Belmonte sa Palasyo para ituloy na ang pagdinig sa Kongreso sa panukalang Bangsamoro Basic law (BBL) makaraan suspendihin bunsod ng Fallen 44. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., kasama sa mga tinalakay ng Pangulo sa mga mambabatas ang background ng operasyon …

Read More »

Pagtakas sa piitan itinanggi ni Bong (Kahit may retrato)

INIREKLAMO ng prosekusyon sa Sandiganbayan First Division ang sinasabing pag-alis ni Sen. Bong Revilla sa kanyang piitan sa PNP Custodial Center upang dumalo sa birthday celebration ni Sen. Juan Ponce Enrile sa PNP General Hospital. Ayon kay Office of the Special Prosecutor Dir. Joefferson Toribio, isang “serious violation of the court’s order” ang ginawa ni Revilla na nakunan ng retrato …

Read More »

Assets ni Jinggoy freeze muna — Sandiganbayan

PINAGBIGYAN ng Sandiganbayan ang kahilingan ng prosekusyon na bigyan ng freeze order ang P184 million assets ni Sen. Jinggoy Estrada dahil sa pork barrel cases na nakahain laban sa mambabatas. Naniniwala ang mga nagsusulong ng kaso na dapat manatili sa banko ang mga ari-arian upang makuha ito ng gobyerno kung sakaling mapatunayan ang mga alegasyong pandarambong kay Estrada. Bukod sa …

Read More »

3 MMDA personnel sinibak sa katiwalian (23 suspendido)

TATLO pang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang sinibak habang 23 ang suspendido kaugnay sa pagkakasangkot sa iba’t ibang katiwalian. Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino, napatunayan sa kasong extortion o pangingikil, grave misconduct, at gross neglect of duty, kaya tinanggal ang tatlo niyang tauhan. Ngunit sa hindi malamang dahilan, hindi isinapubliko ang pangalan ng tatlong sinibak na …

Read More »

Gown ng kaklase sumabit sa motor estudyante patay (Mula sa JS Prom)

NAGA CITY – Hindi na makaga-graduate ang isang estudyante nang mamatay sa freak accident habang pauwi mula sa dinaluhang JS Prom sa Libmanan, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Jasmine Augusto, 16-anyos. Ayon kay PO2 Emirose Organes, pasado 1:50 a.m. nang makauwi mula sa JS Prom sa Naga City si Augusto kasama ang 16-anyos kaklaseng si Bernadette Abainza. Minabuti …

Read More »

Pemberton tumangging magpasok ng plea (Sa murder vs Laude)

TUMANGGI si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na magpasok ng ano mang plea sa kinakaharap na kasong murder kaugnay ng pagkamatay ng transgender na si Jennifer Laude. Sa kanyang arraignment nitong Lunes ng umaga sa Olongapo Regional Trial Court (RTC), ang korte na ang nagpasok ng “not guilty” plea para sa Amerikanong sundalo. Nang makapanayam ng media ang …

Read More »

Kidapawan City red alert vs BIFF

NAKATAAS sa red alert status ng Kidapawan City, Cotabato province dahil sa banta ng pag-atake ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). Ang red alert ang pinakamataas na security alert status sa military at police. Magugunitang nitong nakaraang linggo ay nagbanta ang BIFF na maglulunsad sila ng pag-atake sa Kidapawan dahil humingi ng tulong si Gov. Emmylou Taliño-Mendoza sa Moro Islamic …

Read More »

3 patay, 11 sugatan sa sumabog na landmine

KORONADAL CITY – Tatlo ang patay makaraan pangha-harass ng grupong New People’s Army (NPA) sa isang detachment na sinundan nang pagpapasabog ng landmine dakong 2 p.m. kamakalawa sa Sitio Datalbiao, Brgy. Danlag, Tampakan. Kinilala ang mga namatay na sina Pfc. Arnel Inonaria at Cpl. Mark Casipe, kapwa mga miyembro ng 27th Infanrtry Battalion ng Philippine Army, at ang CAFGU na …

Read More »

Cancer patient namatay sa ere

ISANG 35-anyos babae na sinabing cancer patient ang namatay habang lulan ng eroplano pabalik sa Maynila mula Osaka, Japan, iniulat ng Manila International Airport Authority (MIAA) kahapon. Kinilala ang pasahero na si Loida Barrantes Miyaoka, natagpuang walang buhay sa dulo ng upuan ng Jetstar flight 3K764, ng flight attendants nitong Linggo ng hapon. Ang pasyente ay nagpunta sa Japan para …

Read More »

OFW mula China pumanaw sa bird flu – DOH

ISANG Filipino mula sa China ang namatay nitong Pebrero 14 dahil sa hinihinalang Avian flu o bird flu. Sa pahayag na inilabas  nitong Lunes ng hapon, inianunsyo ng Department of Health (DoH) na Pebrero 9 nang dumating sa bansa ang overseas Filipino worker (OFW) na anim taon nang nagtatrabaho sa China. Nang sumunod na araw, nagkaroon siya ng ubo, lagnat, …

Read More »

Overpriced P70B-LRT Cavitex ipatitigil sa SC

ISA na namang proyekto ng administrasyon ang nanganganib na hindi matuloy dahil sa anomalya. Isang petisyon ngayon ang humihiling sa Korte Suprema na ipahinto ang nakatakdang pagpapatayo ng P70-bilyong Cavite Extension (CavitEx) Project na nakapaloob sa kontratang pinasok ng gobyerno at ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) noong Oktubre lamang.    Hinihingi sa Kataastaasang Hukuman ng nasabing petisyon ang isang temporary …

Read More »

DTR dinoktor ng 2 BI official sa Clark (Pinakakasuhan sa Ombudsman)

HINILING ng concerned employees ng Bureau of Immigration (BI) kay Ombudsman Conchita Carpio Morales na imbestigahan at kasuhan ang dalawang opisyal ng Bureau of Immigration sa Clark International Airport, Clark Free Port Zone, Pampanga, bunsod ng pagdoktor sa daily time records.  Batay sa inihain ng reklamo ng ilang mga empleyado ng BI, kinilala ang mga inireklamo na sina Ma. Angelica …

Read More »

Pasimuno ng ‘Oust PNoy’ ‘di sasantuhin (Banta ng Palasyo)

NAGBABALA ang Palasyo na hindi sasantuhin ang mga nagpapakana nang pagpapatalsik sa administrasyong Aquino para palitan ng transition government bunsod ng Mamasapano incident. Ipinamahagi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. ang kalatas ni Justice Secretary Leila de Lima na tumalakay sa mga isasampang kaso laban sa mga pasimuno ng National Transformation Council (NTC), gaya ni dating National Security Adviser Norberto …

Read More »

MR sa DQ reso pabor kay Erap inihain ng Atty ni Lim

NAGHARAP ng motion for reconsideration (MR) ang abogado ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim kung saan hinihiling nito sa Korte Suprema na baguhin ang desisyon nitong pag-dismiss sa disqualification case ni dating Pangulong Joseph Estrada. Si Lim ay intervenor sa disqualification case na isinampa kay Estrada ng abogadang si Alicia Risos-Vidal. Sa isang 43-pahinang MR, tatlong basehan ang binanggit …

Read More »

7 sugatan sa salpukan ng 2 bus sa EDSA

PITONG pasahero ang sugatan sa banggaan ng dalawang bus sa EDSA southbound, ilalim ng MRT Ortigas Station, bago mag-5 a.m. kahapon. Sangkot ang mga bus na mula sa Nova at Roval bus companies. Reklamo ng mga nasugatan, biglang huminto ang Nova bus sa ilalim ng MRT station kaya bumangga ang nakabuntot na Roval bus na matulin din ang takbo bago …

Read More »

P23-M ng 6/42 lotto napanalunan ng taga E. Samar

MAIUUWI ng isang lotto bettor ang P23,683,644 jackpot prize ng 6/42 lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ayon kay PCSO head Ferdinand Rojas II, nakuha ng maswerteng mananaya mula sa Borongan, Eastern Samar ang number combination na 27-13-10-26-02-41. Nabatid na nakuha ang naturang numero sa pamamagitan lamang ng lucky pick. Samantala, ang 6/55 Grand Lotto na may P31 million …

Read More »

1 week protest vs PNoy nagsimula na

NAGSIMULA na kahapon ang isang linggong pagtitipon ng iba’t ibang grupong nananawagan sa pagbaba sa puwesto ni Pangulong Benigno Aquino III. Bandang 12 p.m. nang mag-umpisa ang programa ng EDSA II Beinte Dos (2.22.15) Coalition ng 60 nagsanib-pwersang civil society groups, sa isang improvised stage gamit ang isang 10-wheeler truck sa ilalim ng Ortigas Flyover northbound. Ito’y makaraan mabigo ang …

Read More »

Lola ni Pacquiao pumanaw na

NAGLULUKSA ang pamilya ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao dahil sa pagpanaw ng lola niya sa General Santos City. Miyerkoles, Pebrero 18, nang pumanaw si Cristina Dapidpiran, ang ina ni Mommy Dionesia Pacquiao, sa edad na 92 dahil sa pulmonya. Dagsa na ang mga nakikiramay sa pamilya habang hinihintay pa ang pagdating doon ng Filipino boxing icon. Matatandaan, sumabak pa si …

Read More »

Lider na hindi magnanakaw kailangan ng PH

IDINIIN ng Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) na kailangan ng Filipinas ang isang lider na may kakayahang disiplinahin ang pulisya at militar at hindi kailanman nasangkot sa pagnanakaw. Ayon sa grupong nanawagan din sa sambayanan, sundin ang kahilingan ni Pope Francis na iwaksi ang mga lider na nasangkot sa pangungurakot at pagnanakaw, panahon na upang magkaroon tayo ng lider …

Read More »

Brownout 2-oras sa Luzon at Visaya (Kahit magtaas ng singil)

MAKARARANAS ng init sa Luzon at Visayas dahil sa nagbabadyang 2-hour rotating brownout bukod sa napipintong taas-singil sa koryente. Inihayag ni Department of Energy (DoE) Secretary Jericho Petilla, posibleng mangyari ito sa summer dahil ang buwan ng Marso at Abril ang itinuturing na critical months. Bagama’t target nila ang best case scenario na zero brownout sa summer ay hindi maiiwasang …

Read More »