5 sangkot sa droga timbog sa buy-bust

LIMANG hinihinalang drug pusher ang naaresto ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Valenzuela City Police chief, Senior Supt. Ronaldo Mendoza ang suspek na sina Elmer Ramos, 53; Jonathan Dimacali, 42; Jorge Saturia, Jr., 35; Gemma Garcia, 46, at Ana Tobillo, 47-anyos.

Ikinasa ng mga tauhan ng PCP-2 ang buy-bust operation dakong 1:30 am sa 2026 Dayrit Compound na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

( ROMMEL SALES )