Friday , September 13 2024

Fernan Angeles

Mula noon, hanggang ngayon

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDIni Fernan Angeles ANG tunay na lingkod bayan, hindi lamang sa panahon ng halalan nagpapamalas ng kabutihan. Sila yaong kinakikitaan ng malasakit nang hindi naghihintay ng kapalit, kesehodang mayroon o walang halalan. Payak at natural. Walang halong kaplastikan – sa ganitong paglalarawan nakilala ang mag-asawang Tan mula sa hindi kalayuang lalawigan kung saan sa mahabang panahon mistulang takbuhan ng mga …

Read More »

Komiteng kabron, sinopla at kinapon

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDIni Fernan Angeles HINDI na bago sa mapanuring mata ng mga Filipino ang paandar ng mga politiko sa senado kung saan mistulang entablado ng mga epal ang plenaryo. Ito ang kuwento ng isang bungangerong senador na sinopla ng husgado. Sa isang desisyon ng Pasay City Regional Trial Court, kinastigo ng husgado ang Senate Blue Ribbon Committee (sa pamumuno ni Sen. …

Read More »

Nabudol ng kongresista

PROMDI ni Fernan AngelesI

KUNG ang puntirya ng bagong tatag na Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ay tugunan ang problema sa pabahay, higit na angkop na tuldukan muna nila ang pamamayagpag ng mga sindikato sa likod ng mga pekeng pabahay. Ang tanong – saan ba dapat simulan ang paghahanap ng mga tao sa likod ng target na sindikato? Ang sagot – …

Read More »

Pinaligpit kaysa mabulilyaso?

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDIni Fernan Angeles NANANATILING misteryo ang pagkawala ng hindi bababa sa 34 kataong pinaniniwalaang ipinadukot at pinatay ng sindikato sa likod ng game-fixing sa larong sabong. Ayon sa Philippine National Police (PNP), nagsasagawa na sila ng imbestigasyon kaugnay ng mga naganap na pagdukot ng mga sabungero sa Maynila at mga lalawigan ng Bulacan, Laguna at Rizal – isang pahayag na …

Read More »

Totoo ang Oplan Baklas

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDIni Fernan Angeles HINDI na bago ang diskarteng pilipit sa larangan ng politika – batuhan ng putik, pagkakalat ng fake news, walang prenong patutsada, below-the-belt na puntiryang halaw sa kathang-isip lang nila, at gitgitan sa entablado ng makabagong panahon, ang social media. Kung tutuusin, malaking bentaha ang social media lalo pa’t limitado na ang personal na pangangampanya, bagay na tila …

Read More »

Payo kay Kap: ‘Wag masyadong hapit, baka ka sumabit!

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDIni Fernan Angeles HINDI pa man nalulusutan ang kanyang problema sa Commission on Audit (COA) kaugnay ng hindi maipaliwanag na paggamit ng pondo sa loob ng maraming taon, muli na namang sumabit sa isa pang bulilyaso ang suking Kapitan ng isang barangay sa bayan ng Taytay. Sa isang pahinang liham na natanggap ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, …

Read More »

Untouchable sa Palasyo

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDIni Fernan Angeles HINDI na bago ang kalakaran ng paggamit ng impluwensyang kalakip ng puwesto sa gobyerno, bagay na minsan pang ipinamalas ng retiradong heneral na mistulang pader sa Palasyo. Siya si dating Philippine National Police (PNP) chief General Debold Sinas, isang matikas na heneral na ‘di kayang tibagin anuman ang bulilyaso. Patunay nito ang mga eskandalong kinasangkutan sa kasagsagan …

Read More »

Bakuna, hindi selda

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDIni Fernan Angeles HINDI na bago sa mata ng masa ang pagiging brusko ng Pangulo. Katunayan, ‘di nga ikinagulat ng madla ang inilabas niyang direktibang pagdakip ng mga taong hindi pa bakunado kontra CoVid-19 sa mahigit 42,000 barangay units sa buong bansa. Ang siste, mistulang kriminal ang turing ng Pangulo sa mga ‘di pa bakunado. Kasi naman ang atas niya’y …

Read More »

Pekeng environmentalist sa Rizal

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDIni Fernan Angeles KUNG kasaysayan ang pagbabatayan, mga katutubong Aeta ang mga unang Filipino at ating mga ninuno. Nasa Filipinas na sila bago pa man dumating ang mga banyagang mananakop na nagpatupad ng sistemang enkomyenda na ginamit ng mga Kastila sa pag-angkin ng malaking bahagi ng bansa. Sa ilalim ng sistemang enkomyenda, unti-unting itinaboy ang mga unang Filipino, bagay na …

Read More »

Naglahong P12-B para sa delubyo

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDIni Fernan Angeles MATAPOS bayuhin ng bagyong Odette ang malaking bahagi ng Visayas at Mindanao, nawindang ang lahat sa tinuran ng Pangulong Rodrigo Duterte. Aniya, wala nang pera ang gobyerno para ipantugon sa mga nasalanta ng delubyo. Taliwas naman sa sinabi ng Pangulo, mayroon pondo para sa mga kalamidad, ayon mismo sa Department of Budget and Management (DBM). Hindi barya …

Read More »

Walang dating kay Duque

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDIni Fernan Angeles MULING lumutang ang bulung-bulungan sa pagbaba sa puwesto ni Health Secretary Francisco Duque na matagal nang ipinasisibak sa puwesto bunsod ng mahabang talaan ng bulilyasong kinasasangkutan ng kanyang departamento. Sa lingguhang pulong ng mga Kalihim sa Palasyo, hayagang inalok ng Pangulong Rodrigo Duterte ang puwesto ni Duque kay Fr. Nicanor Austriaco ng OCTA Research Group – isang …

Read More »

Talas ng Little Mayor

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDIni Fernan Angeles MINSAN pa’y pinatunayang walang panamang tibay ng anumang estruktura kapag pinamahayan ng anay. Ito ang kuwento ng isang opisyal sa Lungsod ng Pasay kung saan maging ang anay – mahihiya sa katakawan ng isang kaanak ng nakaupong alkalde. Tawagin na lang natin ang nasabing opisyal sa pangalang Teretitat na nagpapakilalang pamangkin ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano. …

Read More »

Dorobong haciendero

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDIni Fernan Angeles HABANG abala ang marami sa paghahanda para sa nalalapit na halalan, sinasamantala naman ng isang sindikato ang pagbabakod ng mga lupain sa bulubunduking bahagi ng Binangonan, sa lalawigan ng Rizal. Katuwiran ng sindikatong pinamumunuan umano ng mag-asawang nakabase sa Cardona, Rizal, sa kanila ang buong Binangonan – at maging ang malaking bahagi ng mga karatig-bayan. Pati ang …

Read More »

Paglipas ng 33 taon ‘di pa tapos magrebisa?

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDIni Fernan Angeles MAKARAAN ang mahigit 33 taon, ‘nirerebisa’ pa rin ng Office of the Ombudsman ang kasong plunder laban sa mga dating opisyal ng Public Estates Authority (PEA) kaugnay ng maanomalyang pagbebenta sa isang 41.6-ektaryang reclaimed area ng Manila Bay sa isang property developer sa halagang P104 kada metro kuwadrado. Agosto 1988 nang isampa ang detalyadong sabwatang naganap sa …

Read More »

Present lang kapag payday

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDIni Fernan Angeles SADYA yatang marami ang naaakit sa prestihiyo at impluwensiyang dala ng isang posisyon sa gobyerno kaya naman marami ang nagnanais tumakbo sa hangaring makasungkit ng puwesto. Ang totoo, hindi madali ang trabaho sa gobyerno, na higit na lamang ang sakripisyo. Pero bakit marami pa rin ang naaakit kumandidato – sukdulang mamuhunan – at lumikom ng napakalaking pondo …

Read More »

Artistahing epalloid

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDIni Fernan Angeles ANG mga kapitalista ay namumuhunan ng pera para kumita at hindi para lang masuba ng kung sinong Poncio Pilato sa pwesto. Ito ang kuwento ng isang politikong pagkatapos magbigay ng down payment para sa inarkilang ad space ay tila nagalit pa dahil binaklas ang kanyang billboard na lagpas sa kontratang binayaran. Sa Taytay, Rizal piniling magnegosyo ng …

Read More »

Hindi corrupt si Kap!

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDIni Fernan Angeles SA mata ng mga nakababata, ang mali ay nagiging tama kapag nakikitang ginagawa ng mas matanda. Ito mismo ang kuwento ng isang batang politikong tila nais pang kopyahin ang estilo ng bruskong Pangulo. Sa ‘di kalayuang bayan ng Taytay sa lalawigan ng Rizal, may isang kapitang gaya-gaya sa asta ng Pangulo. Nang balewalain ng Pangulo ang inilabas na …

Read More »

Kultaban sa Bulacan, black sand ng Bagac

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDIni Fernan Angeles KUNG mayroong isang sakit na mas mabagsik kaysa virus na gawa ng bansang Tsina, ito ang pagkagahaman sa pera kesehodang bayan ay nagdurusa. Sa gitna ng pandemya, tila piyesta ang mga ganid na negosyante at kompanya sa tulong ng kani-kanilang kakontsaba. Ang lintek na anomalya sa likod ng Pharmally at Starpay, nagbunga pa ng supling sa bayan …

Read More »

Kinunan ng SOP tapos inilaglag

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDIni Fernan Angeles MASAKLAP ang inabot ng lima sa anim na electronic money remittance companies makaraang madenggoy ng ilang tiwaling taong-gobyernong nagparte-parte sa P2.4-bilyong halaga ng suhol, sa hangarin ng mga nasabing kompanyang makaamot ng kontrata para sa pamamahagi ng ayuda sa mga apektadong pamilya mula sa mga rehiyong isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) bunsod ng banta ng pandemya. …

Read More »

Payasong karnabal, palamuning opisyal

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDIni Fernan Angeles HINDI sapat ang salitang bongga kung ilalarawan ang nalalapit na halalan. Dangan naman kasi, sa paghahain pa lang ng kandidatura, daig pa ang karnabal sa puna at tuligsa. Mula sa sekyung day-off hanggang sa kalbong inutusan lang ng hukluban – lahat sila pasok sa pinakamalaking entablado ng mga politiko. Sa pagsusumite ng certificate of candidacy (COC) ni …

Read More »

Pami-pamilyang paandar

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDIni Fernan Angeles MAY dalawang pamilya – isa mula sa timog at isa mula sa hilaga – ang agaw-eksena nitong mga nakaraang araw. Paandar ng pamilya Duterte ang pag-atras ng matandang Rodrigo sa kanyang kandidatura para sa posisyon ng bise-presidente, isang pasyang ayon mismo sa kanya’y pagkilala sa tinig ng masang nagluklok sa kanya noong 2016. Sa pagbasura sa planong kandidatura  bilang …

Read More »

Bulilyaso ng QC-RTC nabisto, land scam ‘di pinalusot ng SC

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDIni Fernan Angeles SA PAMBIHIRANG pagkakataon, napatunayang daig ng katotohanan ang mga bulaan. Katunayan, mismong ang Korte Suprema ang nagtuwid sa mga pagkakamali ng mga husgadong nasa ilalim nito kaugnay ng isang sigalot sa pitong ektaryang lupain sa bahagi ng Quezon City. Partikular na itinuwid ng Korte Suprema ang desisyong ipinalabas ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) at ang …

Read More »

Gantimpala sa Davao Group

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDIni Fernan Angeles TUBONG-LUGAW ang angkop na paglalarawan sa pagsasamantala sa gitna ng pagdurusa ng mga taong nag-ambag at tumulong sa kampanya ng Pangulo. Bukod sa kontrobersiyal na bulilyaso kaugnay ng mga maanomalyang kontrata sa pagbili ng mga dispalinghadong facemasks, hanggang sa pagtatambak sa Manila Bay, pasok ang Davao Group na sinasabing nanama sa pag-upo ni Rodrigo Duterte sa Palasyo. …

Read More »

Talo ng COWVID ang COVID

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDIni Fernan Angeles WALA maski isang dalubhasa ang makapagsasabi kung kailan matatapos ang lintek na pandemya. Bagkus, marami sa kanila ang nagsasabing mahaba-haba pa ang pagdurusang kakaharapin ng mga Filipino sa dalawang dahilan – ang patuloy na banta ng pandemya at ang patuloy na paggamit sa pandemya para tumiba. Sa pagtatala ng mga eksperto, magpapatuloy pa ang paghahasik ng prehuwisyong …

Read More »

Pangulong Abogado at Kapitan Gago

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDIni Fernan Angeles ISANG abogado si Rodrigo. Katunayan, dati siyang tagausig sa isang lungsod kung saan sa mahabang panahon siya ang hari dito. Sa mga panahong ito siya’y nakailag sa mga asunto, mahusay kasi sa pagpapaikot. Kabi-kabilang patayan, sa kanya’y no problemo. Kabi-kabilang milagro, tinatawanan lang nito. Nang siya’y maluklok sa puwesto bilang pangulo, parang walang nagbago. Hari pa rin …

Read More »