Thursday , October 3 2024
PROMDI ni Fernan AngelesI
PROMDI ni Fernan Angeles

Present lang kapag payday

PROMDI
ni Fernan Angeles

SADYA yatang marami ang naaakit sa prestihiyo at impluwensiyang dala ng isang posisyon sa gobyerno kaya naman marami ang nagnanais tumakbo sa hangaring makasungkit ng puwesto.

Ang totoo, hindi madali ang trabaho sa gobyerno, na higit na lamang ang sakripisyo. Pero bakit marami pa rin ang naaakit kumandidato – sukdulang mamuhunan – at lumikom ng napakalaking pondo sa ambisyong pumanhik sa mas mataas na puwesto.

Ito ang kuwento ng isang tamad na politiko – artistahin, glamoroso pero sa salat naman sa patunay ng pagiging sinsero. Katunayan, kalahati lang ang kanyang ipinasok sa trabaho, ayon mismo sa dokumentadong ulat ng kanilang konseho.

Sa ulat na isinapubliko ng Sangguniang Bayan ng Taytay, naging interesante ang numerong nangibabaw — dalawang ‘zero’ na ang ibig sabihin ay wala man lang anumang ambag na resolusyon o ordinansang angkop at inaasahan sa isang kapita-pitagang miyembro ng konseho.

Nakasaad din sa nasabing taunang ulat ng sanggunian ang isa pang bahagi kung saan makikita ang iniukol na panahon sa plenaryo. Sa 50 sesyon ng konseho, kalahati lang ang ipinasok niya.

Sino nga ba itong konsehal na ating tinutukoy? Ayon sa ulat ng konseho, ang pangalan niya’y Sophia Priscilla Cabral, o higit na kilala sa kanilang lugar bilang Pia. Wow! Pangalan pa lang artistahin na, kaya naman pala mukha niya’y ibinalandra sa dambuhalang billboard na binaklas din kalaunan kasi wala nang bayad sa renta.

Sa 11 miyembro ng konseho, siya ay kulelat sa lahat ng aspekto. Ang siste, wala na ngang inakdang anomang lehislatura, halos wala pang ipinasok sa bulwagan ng lehislatura. Ano naman kaya ang kanyang pinagkakaabalahan sa rami ng kanyang pagliban? Hay naku, ginawa lang tsapa ang konseho!

Hindi artista ang hanap ng masa. Hindi rin naman angkop ang puro lang dada at puna. Maling-mali rin lasunin ang isipan ng masa sa pagpapakalat ng mala-fairy tale na nobela.

Ano nga ba kailangan ng Taytay na higit na kilalang Garments Capital of the Philippines? Hindi kailangan maging miyembro ng isang malaking political clan para magsilbi sa bayan o maupong vice mayor tulad ng kanyang puntirya. Ang kailangan ng Taytay ay may pruweba ng sipag, abilidad, at determinasyong isulong ang adyenda ng tao at hindi ang interes ng partido. Loyalty to the party ends when the call for duty begins.

Dapat din sigurong ihalal yaong tutumbasan ang tinatanggap na suweldo at hindi isang ‘mumong empleyado’ na papasok lamang kung kailan niya gusto. Isang araw na nga lang kada linggo, bigo pang lumutang sa plenaryo!

Bigla kong naalala ang ilan sa mga artistang pumalaot sa politika — pagkatapos mahalal ay nagbutas lang ng bangko. Pero sa aking sapantaha, mas maigi pa nga yaong mga nagbutas ng bangko dahil pumapasok. Maski paano  natutumbasan ang suweldong mula pa sa buwis ng mga ordinaryong tao.

Hindi tulad ng ilang missing in action pero present ‘pag araw ng suweldo!

Para sa sum­bong, suhestiyon o reklamo, maaa­­ring makipag-ugnayan sa email address: fernanjoseangeles­@gmail.com o tumawag sa telepono: (02) 83981186.

About Fernan Angeles

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Delusional, kung ‘di man desperada

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. DELUSIONAL na marahil ang ating Bise Presidente, si Inday …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Suwerteng QCitizens, bibilhan ng condo ni Mayor Joy B.

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAPAKASUWERTE talaga ng QCitizens sa pagkakaron ng isang Alkalde na ang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Talento mo sa paggawa ng parol, isali sa “Kumukutitap 4” ng QC

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW ba ay isa sa daang libong QCitizens na may itinatagong …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paglalantad sa backdoor

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MATAPOS mapanood ang privilege speech ni Senator Raffy Tulfo …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Serbisyo ng LTO, hanggang Sabado na

AKSYON AGADni Almar Danguilan PASO na ba ang inyong lisensiya sa pagmamaneho at hindi makapag-renew …