Friday , May 27 2022
PROMDI ni Fernan AngelesI
PROMDI ni Fernan Angeles

Talas ng Little Mayor

PROMDI
ni Fernan Angeles

MINSAN pa’y pinatunayang walang panamang tibay ng anumang estruktura kapag pinamahayan ng anay.

Ito ang kuwento ng isang opisyal sa Lungsod ng Pasay kung saan maging ang anay – mahihiya sa katakawan ng isang kaanak ng nakaupong alkalde.

Tawagin na lang natin ang nasabing opisyal sa pangalang Teretitat na nagpapakilalang pamangkin ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Para sa mga kawani ng lungsod, isang tunay na tigasin si Teretitat. Katunayan, little mayor ang bansag nila sa nasabing opisyal na anila’y garapalang kumokolekta sa mga katransaksiyon ng pamahalaang lungsod.

Ayon pa sa ating impormante, kompirmadong kaanak ni Mayor si Teretitat. Patunay ng tikas nito, walang dokumentong lalapag sa tanggapan ng tunay na mayor kung hindi daraan sa kanya. Partikular na interesado si Teretitat sa mga transaksiyong pinapasok ng pamahalaang lungsod – mapa-impraestruktura, supply deals, mga service engagements at iba pa. Sadyang walang pinalalagpas na pagkakataon ang masinop na opisyal.

Sa isang banda, mahusay ang kanyang diskarteng pagsala ng mga dokumento bago pa mailapag sa harap ng alkalde. Ang siste, puro balukol ang kanyang pakay, maski sa barya-baryang supply contracts hindi pinapatawad. Sa pakiwari ng ating impormante, nasa kamay ni Teretitat ang pagpapasya kung sino ang dapat gawaran ng kontrata – bagay na ayon sa mga abogadong ating nakausap ay malinaw na paglabag sa Government Procurement Act na nagtatakda ng public bidding sa mga proyekto at programa ng gobyerno.

Bulong ng impormante, tumataginting na 15% ang kinukultab na SOP dapat bayaran bago pa man lagdaan ng kanyang tiyahin ang kontrata. Susmaryosep! Hindi naman pala katakawan!

Ang nakalulungkot na bahagi ng kanyang pagposturang reyna sa lungsod ay garapalang pambubukol sa iba pang opisyal na puwersahang pinapipirma sa mga dokumento dahil utos daw ‘yun ng kanyang tiyahing alkalde.

Hindi pa sa kontrata natatapos ang kanyang impluwensiya. Maging sa pagtatalaga ng mga tao, sa kanya rin bumabagsak na tila ba wala nang iba pang gagawin ang tunay na alkalde kundi lumagda sa mga dokumentong inihahain ng talipandas niyang pamangkin.

Lubos akong naniniwala sa integridad ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano. Sa aking pakiwari, hindi-hindi niya nanaising dungisan ng kanyang mga kaanak ang iningatan niyang pangalan.

Ang nararapat niyang gawin – linisin ang kanyang bakurang patuloy na ginagahasa ng mga taong hindi rin na­man iba sa kanya.  Pero hindi sapat na mawala lang si Teretitat sa ekse­na. Dapat sa kan­ya, papana­gutin sa kalapasta­nga­nan hindi lamang sa tunay na alkalde kundi maging sa pama­halaang lung­­sod na kan­yang pina­mumu­nuan.

About Fernan Angeles

Check Also

PROMDI ni Fernan AngelesI

Ambisyong maging DOE Secretary ni Devanadera, napurnada pa yata

PROMDIni Fernan Angeles SA GITNA NG KRISIS sa enerhiya, higit na angkop para sa Department …

USAPING BAYAN ni Nelson Flores

Tambak na wiped out pa

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. TAPOS na ang halalan pero hanggang ngayon ay …

Dragon Lady Amor Virata

Barangay elections posibleng mabinbin

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SA LAKI NG UTANG ng ating bansa, nadagdagan pa …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Para nga ba sa atin ang cancel culture?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. UMABOT na ang cancel culture sa ating modernong kamalayan …

PROMDI ni Fernan AngelesI

Moro-morong tigil operasyon ng e-Sabong

PROMDIni Fernan Angeles SA KUMPAS ng Pangulong Rodrigo Duterte, ang kontrobersiyal na e-sabong kanyang ipinahinto, …