Friday , March 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pekeng survey ni Duterte

DESPERADO na talaga si Davao City Mayor Rodrigo Duterte kaya kahit pamemeke ng survey ay ginagawa na rin ng kanilang kampo maipakita lang sa publiko na nagunguna na sila sa pre-sidential race.

Itinanggi ni Ronald Holmes, pangulo ng Pulse Asia Research Inc, ang kumakalat na survey na pinagungunahan ni Duterte.

Sinabi mismo ni Holmes na wala silang ginagawang survey mula Marso 21 hanggang 25, at ang kumakalat na survey ay malinaw na peke.

Malinaw na ang ganitong desperadong hakbang ng kampo ni Duterte ay para ikondisyon  ang isipan ng publiko. Nais nilang ipakita na naungusan na ni Duterte ang kanyang kalaban,  at siya na ang siguradong mananalo sa darating na halalan.

Malinaw din na isang uri ng black propaganda ang ginagawa ng kampo ni Duterte.

Kailangan maging mapanuri ang publiko habang papalapit ang nakatakdang halalan sa Mayo 9.  Sa mga susunod na pagkakataon, muling susubok ang mga taong ito para linlangin ang taumbayan, at alam nating mabibigo lamang sila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mataas na presyo, maling pinupuntirya

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PATULOY ang digmaan sa Gitnang Silangan, at kahit malayo …

Sipat Mat Vicencio

Datem, DMCI at iba pang major construction firms tutulong kay PBBM

SIPATni Mat Vicencio INAASAHANG magiging maayos at matino ang pagpapatupad ng susunod na malalaking infrastructure …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Pagkiling ng Ombudsman sa dating House Speaker depensang garapal nga ba?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PATULOY na pagbanggit sa pangalan ni Martin Romualdez sa iba’t …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Kapangyarihan vs. pananampalataya sa panahon ng Kuwaresma

PADAYONni Teddy Brul HABANG papalapit ang panahon ng Kuwaresma—isang yugto ng pagninilay, pagsisisi, at pagbabalik-loob—muling …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Sa likod ng oil price hike
Dambuhalang kita ng kompanya, pighati ng masa

PADAYONni Teddy Brul SA BAWAT LINGGO, tila naging normal na ang biglaang taas-baba ng presyo …