Thursday , June 4 2026

PNoy hindi na makukulong

TIYAK na makatutulog na nang mahimbing ngayon si Pangulong Noynoy Aquino matapos magdesisyon ang Supreme Court na maaari nang tumakbo si Sen. Grace Poe sa pagkapangulo sa darating na halalan sa Mayo 9.

Alam ni PNoy na wala talagang kapana-panalo ang kanyang official candidate na si Mar Roxas, kaya nga marami ang nagsasabing may ‘kamay’ ang pangulo sa naging desisyon ng Supreme Court na pumabor kay Poe hinggil sa disqualification case na iniharap laban sa kanya ng Commission on Elections (Comelec).

Kung mananalo kasi si Vice President Jejomar Binay, tiyak na patong-patong na kaso ang kakaharapin ni PNoy at malamang na makasama niya si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na maburo sa Veterans Memorial Medical Center na kinakukulungan ngayon dahil sa kasong plunder.

Si Poe lang ang maaaring tumalo kay Binay kaya higit na panatag ang kalooban ngayon  ni PNoy sa maaaring kalabasan ng eleksiyong darating. 

Hindi maaaring umasa si PNoy kay Ro-xas dahil tiyak na ilalampaso lang ni Binay kung tuluyang natalo si Poe sa SC.

Ngayon, higit na lalakas ang puwersa ni Poe hindi lamang dahil sa naging de-sisyon ng SC kundi ang palihim na suportang ibinibigay sa kanya ni PNoy  at ng ilang matataas na lider ng Liberal Party.

Kawawa na naman si Roxas, sa kangkungan na naman dadamputin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …