Thursday , June 4 2026

Fake diploma mill sa Recto protektado ng lespu

YANIGPROTEKTADO umano ng ilang mga pulis ang pabrika ng pekeng diploma at iba pang legal na dokumento sa kahabaan ng Claro M. Recto Avenue at Quezon Boulevard sa Quiapo, Maynila.

Ayon sa ating impormante, nakakokolekta anila nang mahigit sa P30,000 isang linggo ang isang ‘kolektong’ na kinilala nilang si ANTON.

Si ANTON umano ay isang civilian striker na sinasabing tauhan ng isang alias TATA RAPI PAD-AWA ng MPD Station 3 na siyang nakasasakop sa nasabing lugar.

Madalas na maiulat si alias Pad-awa na isang malupit na kolektor ng Tres na isinusumpa ng mga vendor sa Plaza Miranda, Carriedo, Soler at Ronquillo sa Quiapo, Maynila.

Sir Pad-awa, bagong taon na sana’y manawari ay magkaroon ka na ng pagbabago sa iyong pagkatao. Ipinagdarasal ka rin palagi ng mga vendor sa Poong Nazareno para kunin ka na yata?!

Alyas One-Shot patuloy sa pamimitsa sa pushers sa Tondo?

Kahit tinanggal na sa MPD SAID ng Station 1, ang isang PO-10 Siriban, patuloy pa rin daw sa pagbabangketa at paghuli sa mga tulak sa AOR ng station 1?

Hindi raw para hulihin at ikulong kundi para pitsain nang puwersahan para sumuka ng pera ang mga kawawang biktima. Alam mo na ba ito magaling na MPD PS-1 commander Col. Ulsano?

O baka naman may basbas ang taong ‘yan sa magaling mong bata na si Tata Onay Bote?

Nagtatanong lang po sir!

HAPPY NEW YEAR SA INYONG LAHAT!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …