Thursday , June 4 2026

Iniwan na ni Bongbong si Chiz

EDITORIAL logoKUNG ihahambing sa karera ng kabayo, banderang kapos na maituturing si Sen. Chiz Escudero – sa unang arangkada, mabilis na umabante, pero habang papalapit ang finish line, unti-unti nang nanlalamig at naiiwan ng kanyang mga kalaban sa karera.

Ganito ang nangyayari kay Escudero.  Unti-unting nakikita ang kanyang panlalamig at unti-unti na rin siyang nauungusan ni Sen. Bongbong Marcos sa vice presidential race. Kung tutuusin, sina Sen. Sonny Trillanes at Rep. Leni Robrero ang nakikitang may potensiyal na makigpagbabakan nang dikitan kay Marocs sa finish line.

Sa kaliwa’t kanang kontrobersiyang kinakaharap ngayon ni Escudero, hindi niya malaman kung paaano niya sasagutin ang mga akusasyon laban sa kanya.  Simula sa akusasyong paggamit niya kay Sen. Grace Poe hanggang sa pagpapabaya niya sa kanyang lalawigan sa Bicol sa usapin ng kahirapan, paano kaya maipapanalo ni Escudero ang kanyang kandidatura?

Samantala si Marcos, solid ang suporta ng kanyang mga kababayan sa Ilocos region at pati ang mga “loyalist” ng kanyang amang si Ferdinand Marcos ay patuloy rin na kumikilos para masiguro ang panalo ng kanilang kandidato.

Asahang, mawawala sa eksena si Escudero.  Asahan ding sa pagpasok ng buwan ng campaign period, bababa ang rating nito sa mga survey at tiyak na mauungusan ni Marcos.  Kung hindi kikilos si Escudero, sina Marcos at Trillanes ang malamang na magpukpukan sa presidential race.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …