Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kulelat pa rin si Mar sa survey

EDITORIAL logoSA PINAKAHULING survey ng Pulse Asia, muling pumangalawa si Vice President Jojo Binay kay Sen. Grace Poe at kulelat na naman ang mahinang kandidato ng Liberal Party (LP) na si Mar Roxas.

Sa survey na isinagawa noong Oct. 18 hanggang 29, nakapagtala si Binay ng 24 percent mula sa dating 19 percent na nakuha nito.

Samantalang si Roxas, nakakuha ng 21 percent mula sa dating 20 percent. Ang survey ay meron 3,400 respondents at ang margin of error ay 1.7 percent.

Lumalabas na kahit anong gawing political ads at pagpapapogi ng LP, wala talagang naniniwala sa linyang “Tuwid na Daan” ni Roxas.

Maraming inis kay Roxas, at patunay na rito ang latest survey na kulelat pa rin siya sa presidential race.

Kailangan magbago ng image nitong si Roxas at kaagad na palitan ang kanyang political strategist na walang ginawa kundi ang ipahamak siya sa publiko.

Kailangang iwanan na ang paggamit ng “Tuwid na Daan” sa kampanya ni Roxas dahil wala itong idudulot na maganda sa kanyang kandidatura.

Kung tuluyang matatalo si Roxas sa halalan, nakatatakot na scenario ang haharapin niya at ng kanyang mga kaalyado.

Isipin na lang ninyo kung si Binay ang mananalo, tiyak na makukulong sa Veterans Hospital si Pangulong Noynoy Aquino kasama ang kanyang mga kaibigang sina Budget Sec. Butch Abad, DoTC Sec. Emilio Abaya, DSWD Sec. Dinky Soliman  at Executive Secretary Paquito Ochoa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …