Friday , June 5 2026

Kababaihan sa Senado

EDITORIAL logoNAKALULUNGKOT isipin na hanggang ngayon, ang politika sa Filipinas ay dominado pa rin ng mga kalalakihan. 

Ngayong 16th Congress ng Senado, ang bilang ng mga kababaihang senador ay umaabot lamang sa anim kompara sa kabuuang bilang na labing-walong lalaking senador.

At sa pagtatapos ng 16th Congress ng Senado ngayon 2016, sina Sen. Miriam Defensor Santiago at Sen. Pia Cayetano ay magtatapos na ng kanilang termino. Nangangahulugang sa kabuuang 24 miyembro ng Senado, apat na lamang na babae ang matitira sa kanilang hanay.

Pero sa pagpasok ng 17th Congress, mukhang malabong madagdagan ang bilang ng mga babaeng legislators sa Senado. 

Masakit mang sabihin, maituturing na mahina ang mga kandidatong babae sa Senado sa darating na halalan.

Naririyan sina Risa Hontiveros, Leila de Lima, Nariman Ambulodto, Alma Moreno, Princess Jacel Kiram, Susan “Toots Ople at Lorna Kapunan.  At kung titingnan ang pinakahuling result ng SWS, tanging si De Lima lamang ang nakapasok sa Magic 12  ng senatorial race survey. Totoo nga ba ang kasabihang, “ang politika ay mundo ng kalalakihan?” 

Hayaan nating magtulong-tulong tayo at makapaghalal ng maraming bilang ng kababaihan sa Senado.  Ang kayang gawin ng kalalakihan ay higit na kayang gawin ng mga kababaihan. Ang interes ng mahihirap ay higit na magagampanan ng mga kababaihan lalo na sa gawaing lehislatura.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …