Thursday , June 4 2026

Dagok kina Ping at Mar ang “Yolanda”

EDITORIAL logoSA DARATING na pambansang eleksiyon, tiyak na may malaking epekto sa boto ng mga politikong sina LP presidential bet Mar Roxas at senatorial candidate Ping Lacson, kung paano nila ginampanan ang kanilang papel sa nangyari sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Hindi maitatanggi nina Roxas at Lacson na malaki ang kanilang pagkukulang sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda sa Kabisayaan kung kaya’t hanggang ngayon ay nagpupuyos pa rin sa galit ang mga biktima dahil sa ginawa sa kanila ng dalawang politiko. Sino ang makalilimot sa ginawa ni Roxas nang pagsabihan niya ang mga taga-Tacloban na “bahala kayo sa buhay n’yo!”  At sino rin ang makalilimot sa ginawang pagtataray ni Lacson sa mga biktima ng bagyong Yolanda kaya nga siya idineklarang persona non-grata sa Eastern Visayas ng grupong People Surge.

Tama talaga ang kasabihang “lintek lang ang walang ganti” at ganyan ang mangyayari sa araw ng eleksiyon dahil hindi iboboto ng mga Waray sina Lacson at Roxas.  At ano ba kasi ang maaasahan mo sa tulad ni Roxas na anak mayaman, ilustrado at tunay na panginoong may lupa? At si Lacson naman, ano nga ba rin ang maaasahan sa taong ito na wala na yatang ginawa kundi ang magtaray at makipag-away. Parang babae, ayaw tumigil sa kapuputak?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …