Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Huwag maniwala sa black propaganda kay DepComm. Nepomoceno

00 parehas jimmyISANG nagngangalang JOEY ang siyang itinuturo na promotor ng panininira sa magandang pangalan ni Customs Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno.

Kung ano-ano kasi ang disinformation campaign na sinasabi laban sa kanya, nakakalungkot lang talaga dahil napakabait ni Depcom Nepomuceno para siraan nitong si alyas Joey na may ugaling manira noon pang nasa kapangyarihan pa siya.

Dahil walang naniniwala sa kanya kaya mukhang  desperado na dahil may intel report na siya’y kasabwat sa rice at sugar smuggling. What a shame!

Huwag po kayong paloko sa taong ‘yanna mapanlinlang.

***

Minamanmanan na ng NBI Anti-Graft division at Anti-Fraud ang mga tirador sa customs lalo na ang mga contractual employee na nagpayaman sa kanilang trabaho.

Dinaig pa raw ang mga Customs organic employee. Unahin sana ng NBI ang isang taga-Customs informal entry division na palaging nakikita sa loob ng casino.

***

 Si BOC-EG Executive Asst. Gervy Maglunob ay marami palang natutulungan na mahihirap, gifted pala siya at may puso.

Hindi katulad ng ibang langaw sa customs na napasama sa kalabaw ay kalabaw na rin.

Si Gervy ay may puso at marunong maki-pagkapwa-tao at the same time. Siya ay tinaguriang man with a golden heart.

Si Gervy ay isang opisyal na  matuwid  sa  pamunuan ng Customs at kapag nakahuli sila ng illegal na kargamento ay grabe ang ginagawang paninira sa kanila.

Pero mas marami pa rin ang naniniwala sa kanila dahil tapat sila sa kanilang tungkulin sa customs.

***

Dapat pagtuunan ng pansin ngayon ang isang Chie Men Wong, na binansagang hari ng auction sa customs.

Si Chie Mien Wong daw ang kumukontrol sa auction, kasama sina Mando, Nely Villarubio, Pa-cita Yu, Nenita Biag at Butch Do.

Grabe na nga raw ang lutuan d’yan sa auction ng grupo sa pamumuno ni Chie Men Wong.

Dapat bantayan ang smuggling activities nitong si alias YORME DENNIS. Kailan kaya ito mabubusisi ng AMLC at BIR?

***

Si Atty. Tristan Langkay ay dapat mabigyan ng magandang break sa customs dahil walang kayabang-yabang, matalino at tapat sa serbisyo. Kahit na bata pa ay marami na siyang accomplishment.

Ang katulad niya ang karapatdapat maging hepe ng BOC legal division.

***

 Sino si Mr. 100k na abogado sa customs?

Nagyayabang pa na director na raw siya at hindi na puwede ang 5k.

Paging: Comm. Bert Lina!

***

Ibang-iba pa rin ang mga security ni Comm. Bert Lina dahil walang maangas sa kanila at marunong magrespeto sa publiko. Sa pangunguna ni Security Chief na si Constantino at mga driver at bodyguard. ‘Yan ang mga gusto ko, walang hangin at totoong tao sila. Mabuhay kayo and keep up the good work!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About jsy publishing

Check Also

Firing Line Robert Roque

Isang makatarungang trapik para sa MRT-7

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SIMULA 1 Pebrero, dapat nang maghanda ang mga motorista …

PADAYON logo ni Teddy Brul

“Minahal kita” – Si Kristo sa panig ng Anakpawis (Dilexi Te – Book of Revelation 3:9)

PADAYONni Teddy Brul SA PAGLULUNSAD ng Labor Consultative Assembly na inisyatiba ni Bishop Gerardo “Gerry” …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Paninindigan ni Chiz sa  impeachment vs VP Sara tama, batas dapat masunod

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA GITNA ng matinding tensiyon at ingay ng politika noong kasagsagan …

Sipat Mat Vicencio

Mr. President, bakit hindi ‘urgent’ ang anti-political dynasty bill?

SIPATni Mat Vicencio SA KABILA ng pagdedeklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …