Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Si Bongbong at Trillanes ang maglalaban

EDITORIAL logoHindi si Sen. Chiz Escudero ang mahigpit na magiging kalaban ni Sen. Bongbong Marcos kundi ang kanyang malapit na kaibigang si Sen. Sonny Trillanes sa pagka-pangalawang pangulo sa darating na halalan.

Parehong miyembro ng Nacionalista Party (NP) sina Marcos at Trillanes na kapwa nagpasyang tumakbo bilang vice president  sa 2016 elections, kasabay ng apat pang politiko na tatakbo rin sa nasabing puwesto. Sa mga susunod na buwan, malamang na sina Marcos at Trillanes ang mahigpit na maglalaban at tuluyang maiiwan si Escudero sa pagtatapos ng kampanya sa halalang pampangalawang pangulo. Su-nod-sunod ang kontrobersiyang ibinabato kay Escudero kaya malamang na hindi na siya makabangon kahit sabihan pang kakampi niya ang popular na presidential candidate na si Sen. Grace Poe.

Magiging balwarte ni Marcos ang solid north at ang mga Marcos loyalist na hanggang ngayon ay tapat sa yumaong amang si Pangulong Ferdinand Marcos. Samantala makokopo naman ni Trillanes ang boto ng mga Bicolano at ang suporta ng oganisadong grupo ng Magdalo.

Kapana-panabik ang bakbakan ng magkaibigang Marcos at Trillanes para sa posis-yong vice president, habang si Escudero, dahil sa paggamit niya kay Poe at iba pang kontrobersiyang kinasasangkutan, ay maiiwan sa laban at tiyak na matatalo sa halalan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …