Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lady tanod itinumba

PATAY ang isang 50-anyos na babaeng barangay tanod matapos barilin ng hindi nakilalang suspek habang naglalakad kahapon ng tanghali sa Malabon City.

Dead on the spot ang biktimang si Lilibeth Mandares, 50-anyos, residente  ng Gozon Compound, Letre, Brgy. Tonsuya sanhi ng isang tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa likurang bahagi ng katawan.

Sa ulat ng pulisya, dakong 12:00 ng tanghali kahapon  malapit sa bahay ng biktima sa nasabing lugar naganap ang pamamaril.

Galing sa pagbili ng ulam ang biktima  at nang malapit na sa kanyang bahay ay sumulpot ang hindi nakilalang suspek na walang sabi-sabing binaril si Mandares na agad niyang ikinamatay.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad  kaugnay ng pamamaril.

Kilalang mahigpit ang babaeng barangay tanod kaya hinihinalang isa sa mga nakasuhan niya ang suspek sa pamamaril.

(rommel sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …