Monday , December 8 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jojo Mendrez Ariel Rivera Gary Valenciano

“Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” bagong single ng Revival King na si Jojo Mendrez

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KINILALA ang mga Christmas song na “Sana Ngayong Pasko” ni Ariel Rivera at “Pasko Na Sinta Ko” ni Gary Valenciano, na bukod sa napaka-emosyonal ay talaga namang ramdam ang pangungulila sa taong minamahal.

Kaugnay nito, isa na namang Christmas song ang isisilang na sobrang emosyonal din na ihahatid ng Star Music, mula sa komposisyon ng dekalibreng si Jonathan Manalo at ito’y bibigyang buhay ng tinig ng Revival King na si Jojo Mendrez.

Ang titulo ng kanta ay “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin”. Isa itong highlight sa career ni Jojo, dahil ang nabanggit na kanta ay ginawa talaga specifically for him ni Jonathan Manalo at isang proyekto ng Star Music Philippines.

Talagang mamamangha, luluha at mababalikan ang mga eksena ng iyong buhay lalo pa at napakaswabe at punong-puno ng puso ang rendisyon ng Revival King sa kanta.

Base sa mga nakapakinig na ng kanta, ito’y maihahalintulad daw sa kanta nina Gary V. at Ariel.

Narito naman ang reaksiyon ni Jojo. “I’m honored, kasi ang mga kanta nina Gary V. at Ariel ay timeless, ito ay nasa puso ng mga tao at every Christmas ay  napapakinggan natin. Ito ay maitututing kong isang highlight ng aking showbiz career. Isang napakalaking karangalan para sa akin ito.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …