I-FLEX
ni Jun Nardo
WALA nang gustong balikan ang Kapuso actress na si Carla Abellana sa kanyang nakaraan. Naihayag niya ito nang makausap niya si Luis Manzano para sa kanyang vlog nitong nakaraang mga araw.
Bahagi ng pahayag ni Carla, “Kapag sinabi mong gusto mong bumalik doon para baguhin or what, para tuloy hindi ka na makabitiw from your past or whatever that moment is. So, parang wala naman, wala naman akong babalikan para palitan o ibahin, wala naman.”
Para sa aktres, meant to be ‘yung nangyari. “Lahat parang orchestrated na. It’s just a matter how you live out those moments or how you react to those moments.”
Tapos na nga ang kabanata sa buhay nina Carla at dating asawa na si Tom Rodriguez. May kanya-kanya na silang mundo at loaded ang work niya gaya ng pinagbibidahanh zombie episode ng Daig Kayo ng Lola Ko ng Kapuso Network.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com