Thursday , December 19 2024
Vilma Santos
Vilma Santos

Ate Vi sariling pera ang ipinantutulong sa tao

HATAWAN
ni Ed de Leon

NOONG isang araw ay nag-message sa amin ang isang kaibigan naming pari at sinabing kung makakausap namin si Congresswoman Vilma Santos ipaabot ang kanyang pasasalamat. Ito iyong may inutusan si Ate Vi sa kanya na magbigay ng Covid ayuda.

“Sabihin mo napakalaking tulong niyon sa amin,” sabi pa ni Father.

Noong araw na iyon naman ay nakausap namin si Ate Vi at siya na ang nagkuwento na nakarating sa kanya ang listahan ng mga opisyal ng barangay na nahawa rin sa Covid dahil sa kanilang ginagawang serbisyo sa mamamayan. Isinama na rin doon ang mga pari at iba pang pastor na nagkasakit din dahil sa kabila ng pandemya at peligro ay ginawa pa rin nila ang tungkulin sa kanilang nasasakupan, kaya nga sila nahawa.

“In particular, nakakasama namin ang mga paring Katoliko sa mga relief operations namin, bago pa iyang pandemya dahil ipinagamit nila sa amin ang kanilang mga simbahan noong pumutok ang Taal. Noong simula naman ng pandemya, pinayagan nilang gamitin naming ang ilang facilities ng simbahan bilang isolation areas, at nakatutuwa na ang amin pang arsobispo ang nag-alok ng tulong na iyon. Kaya paano mo ba namang kalilimutan sila na nakatulong sa iyo? Hindi rin naman tayo mapagbibintangan na gumagamit ng pera ng gobyerno, dahil sarili kong pera ang ipinamamahagi kong tulong. Kung ano iyong kaunting nasosobra, lalo ngayong bawal lumabas, siyempre mas maliit ang gastos, iyon naman ang ibinigay ko. Hindi iyan mula sa pondo, mula iyan sa puso,” sabi pa ni Ate Vi.

“Marami pa tayong mga kaibigan na dapat ding padalhan ng tulong, lalo na nga sa movie industry dahil bagsak iyan ngayon at wala talagang pinagkakakitaan ang mga tao, hindi ko lang mapagsabay-sabay ang ayuda. Medyo inuna ko muna iyong talagang alam kong kailangan at siya naman naming nakatutulong sa Lipa para sa mga mamamayan,” dagdag pa ng congresswoman.

Tapos tungkol naman sa mga problema sa showbiz ang nasabi lang niya ay, “i-update mo akong lagi para alam ko naman kung may magagawa tayo.”

Naputol ang aming palitan ng text nang magsisimula na ang kanyang zoom meeting naman para maliwanagan siya sa ilang punto ng universal health bill at kung paano iyon makatutulong sa bayan. Si Ate Vi, para ring si Boss Jerry Yap iyan, dumudukot sa sarili niyang bulsa kung kinakailangan para matulungan ang mas maraming tao.

About Ed de Leon

Check Also

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Dominic Roque Sue Ramirez

Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party

NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …

Vilma Santos Liza Araneta Marcos Tirso Cruz III Christopher de Leon

Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …

Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko 

I-FLEXni Jun Nardo BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *