Wednesday , June 12 2024
Vilma Santos, Kuya Germs, German Moreno

Ate Vi, mala-kuya germs na rin mag-celebrate ng birthday

HATAWAN
ni Ed de Leon

DATI kung sabihin, si Kuya Germs lang ang may isang buwang birthday celebration, pero iyon naman ay dahil lamang sa dami ng mga artistang gustong bumati sa kanya ng personal. Sayang din naman kung pagkatapos bumati ay paaalisin mo na ang artista. Kaya ang kanyang birthday celebration na ginagawa ay niyang isang buwan para mahati ang mga gustong bumati at mas mabigyan naman sila ng importansiya.

Aba, ngayon ay mukhang ganoon na rin ang mangyayari kay Congresswoman Vilma Santos. Sa dami naman ng mga gustong mag-celebrate ng kanyang birthday, sinabi nga niyang ipakikita niya iyon sa kanyang vlog at malamang, isang buwan ang itagal niyon.

Paano mo nga bang tatanggihan, noong isang araw nagkaroon ng formal lighting ng isang giant Christmas tree sa Lipa, tanda ng pagsalubong ng buong lunsod sa Kapaskuhan, Dinaluhan iyon ng maraming tao, tapos naka-announce rin pala na iyon ay birthday celebration din ng kanilang congresswoman na inihanda nila para sa mga taga-Lipa. Palalampasin ba naman ng mga taga-Lipa ang pagkakataong iyon? Dumagsa talaga ang mga tao, pero naipatupad naman ang health protocols. Bukod doon, ang dami pang gustong mag-celebrate kahit na late na, mabuti iyong fans, sabi ni Jojo Lim, nag-celebrate na lang  sila on their own dahil alam naman nila na halos imposibleng maisingit pa iyon ni Ate Vi sa kanyang schedule, at iyan namang sina Jojo, hindi iyan ang tipo ng fans na masyadong demanding.

Inamin naman ni Ate Vi, na bagama’t siya ay naka-reverse isolation bilang pag-iingat laban sa Covid, hindi talaga puwedeng hindi siya lalabas ngayon. Mapipilitan siyang lumabas. Kung mapapansin ninyo, tumutulong man si Ate Vi sa kampanya ng kanyang mga kapartido, sa social media na lang niya ginagawa iyon dahil ang buong partido naman nila sa lalawigan ng Batangas, lahat walang kalaban. Kakampanya na lang siguro si Ate Vi sa mga kaibigan nila na tumatakbo sa national positions. Pero hindi naman kailangang madalas iyon.

Pero sabi nga niya, kung dadalo man siya sa susunod na SONA, sa gallery na ulit siya uupo, at member na ulit siya ng mga congressional wives. At talagang lalabas na siya, dahil hindi ba gagawa na siya ng pelikula ulit?

About Ed de Leon

Check Also

Alfred Vargas Nora Aunor Pieta

Alfred Vargas, naramdaman Nora Aunor magic sa pelikulang Pieta

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang award-winning actor na si Alfred Vargas na ibang …

Chavit Singson

Chavit Singson mamimigay ng P7-M sa kanyang kaarawan

MAMAMAHAGI si dating governor Luis “Chavit” Singson ng saya at kabutihang-loob sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong taon. …

Xian Lim Sanya Lopez Coleen Garcia Faye Lorenzo

Playtime ng GMA at Viva mapapanood na

RATED Rni Rommel Gonzales MAPAPANOOD na ang pinakaaabangang pelikula ng GMA Pictures at Viva Films na  Playtime starring Sanya Lopez, Coleen Garcia, …

Kapuso Fans Day Independence

Kapuso stars lilibutin ang ‘Pinas sa Araw ng Kalayaan

RATED Rni Rommel Gonzales TIYAK na memorable at espesyal ang paggunita sa Araw ng Kalayaan …

Jed Madela

Jed Madela inabangan, kinagiliwan sa Phil Expo Tokyo 2024

HARD TALKni Pilar Mateo PINAINIT ni Jed Madela ang mga kababayan nating nanood sa kanyang appearance sa …