Wednesday , May 22 2024

Ate Vi, ‘di na tatakbo, tututok sa paggawa ng pelikula

ni Ed de Leon

PINAG-ARALAN ko ang lahat ng options. Hanggang kanina nga may kausap pa ako na nagsabing kung gusto ko raw ako ang patatakbuhing vice president, eh ang sabi ko naman, nakagawa na ako ng announcement and in a few minutes lalabas na iyan sa social media. I am ending my 23 years of political career, pero hindi ko sinasabing tatalikuran ko

ang serbisyo publiko. Lahat ng nasimulan ko itutuloy ko in my private capacity, kung kailangan ang gobyerno nariyan naman si Ralph. Nariyan iyong buong Bangon Lipa team. Lahat naman iyan tutulong sa akin.

Ang daming mga artista, tumutulong sa mga tao kahit na wala naman sa posisyon. Kasi kahit na ang mga artista tagilid din ngayon ang hanapbuhay, gusto nilang magbayad naman ng utang na loob

namin sa mga tao kahit na paano. Hindi naman kami magiging artista, sisikat at kikita ng malaki kung ‘di rin dahil sa mga tao.

 “At saka hindi ko iyan inilihim sa iyo. Hindi ba noon pa sinasabi ko na mayroon akong third option, at iyon ay balikan ang aking pagiging artista? Alam mo hiyang-hiya na ako sa mga fans, kina Jojo at saka sa inyo, sa tuwing tinatanong ninyo ako kung kailan ako gagawa ng pelikula. Ilang ulit na bang nasira ang sinabi ko sa iyo noon

na bago matapos ang taon gagawa ako kahit na isang pelikula. Hindi ko nga lang sinabi kung anong taon. Ngayon masasabi ko nang sa 2022 makagagawa na ako ng pelikula,” ang natawa pang sabi ni Ate Vi (Congw Vilma Santos).

Alam mo aaminin ko na ngayon na nami-miss ko rin naman ang mga Vilmanian. Iba ang pagmamahal nila eh. Isipin mo ang marami riyan mahigit 50 years ko nang kasama. Kung sa bagay maski naman sa

Lipa, dama ko ang pagmamahal ng mga Batangueno, pero iba iyong kasama

mo ng ganoon kahabang panahon at kahit na hindi ko sila masyadong naasikaso simula nang pumasok ako sa politics nariyan pa rin sila. At nakukonsensiya na rin ako sa tuwing naririnig kong sinasabi ninyo na pagbigyan ko naman ang fans, kahit na isang pelikula lang sa isang

taon. Ang kuwento nga nila inuulit-ulit na nga lang nila ang mga pelikula ko sa tv at sa video.

Ngayon hindi lang ako aarte, puwede pa akong mag-produce ng mga pelikula at tv shows. Magagamit ko ang natutuhan ko ng kung ilang taon din sa industriya. Sinasabi nila ang sakit ng industriya ay

walang bagong idea, iyan ang gagawin natin. Kung ano ako ngayon, kung

ano ang kalagayan sa ngayon ng pamilya ko, at maging ang nangyari sa akin sa politika, utang ko iyan sa industriya ng pelikula. Ito na nga siguro ang panahon para magbayad naman ng utang na loob.

Ngayon mas mahabang oras na ang puwede kong magamit sa pagiging artista, pati sa pagba-vlog. Masasabi nating Ate Vi is back for all seasons,” ang nakangiting sabi pa ni Ate Vi.

—30–

About Ed de Leon

Check Also

Vilma Santos Bryan Dy

Bryan Dy ng Mentorque Productions, dream come true na gumawa ng movie with Ms. Vilma Santos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA NAGDAANG Barako Fest 2024 ay nabanggit ni Bryan Dy ng …

Ralph Dela Paz

Coco at Ruru gustong makatrabaho ni Ralph Dela Paz

MATABILni John Fontanilla PAGKALIPAS ng ilang taon ay nagbabalik showbiz ang aktor, stage actor, at …

Lolit Solis Boy Abunda Rhea Tan Alice Eduardo

Manay Lolit dinagsa ng malalaking personalidad sa 77th birthday celebration

MATABILni John Fontanilla NAG-UUMAPAW sa kasiyahan si Manay Lolit Solis sa pagdalo ng kanyang mga kaibigan mula …

June Navaja Vincent Marcelo Piolo Pascual Toni Labrusca

Piolo at Toni wish makasama ng mga bida sa isang BL series

MA at PAni Rommel Placente SINA June Navaja at Vincent Marcelo ang mga bida sa BL series na My Bae-Bi …

Nash Aguas Mika dela Cruz Angelica dela Cruz 

Angelika nilinaw Mika ‘di buntis kaya nagpakasal kay Nash

MA at PAni Rommel Placente INIINTRIGA si Mika dela Cruz.  Buntis daw umano ito kaya bigla …