Monday , July 22 2024
Vilma Santos Jojo Lim
Vilma Santos Jojo Lim

Ate Vi ‘tinatrabaho’ na ng mga troll

HATAWAN
ni Ed de Leon

INUULAN na ng mga banat ng mga troll si Congresswoman Vilma Santos at iyan ay matapos niyang sabihin kung ano ang posibilidad ng kanyang desisyon sa darating na eleksiyon. Pero hindi naman dapat na pansinin iyang mga troll na iyan dahil hindi nga ba gusto nang imbestigahan iyang mga iyan dahil napakalaki nga raw ng budget na nauubos dahil sa mga troll?

Maaaring hindi naman gobyerno ang nagbabayad ng payroll ng mga troll, pero may mga politikong nagbabayad ng mga iyan para purihin sila wala man silang nagagawa at siraan ang mga possible nilang makakalaban hindi man totoo ang sinasabi nila. Si Ate Vi naman, sanay sa ganyan eh. Noong araw na wala pa iyang mga troll dahil wala pa namang internet, may mga heckler nang naninira sa mga artista at naging biktima rin siya ng mga heckler pero wala namang naging epekto iyon sa kanyang popularidad. Ngayon pa ba siya maaapektuhan ng mga amateur lang sa paninira?

At ewan kung mananalo nga sila sa dami kung kikilos na sina Jojo Lim ng VSSI na daang libo ang dami.

About Ed de Leon

Check Also

Cecille Bravo PWDW Filmfest Peoples Legacy Awards

PWDW Filmfest People’s Legacy Awards 2024 matagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang inaugural PWDW Film Fest People’s Legacy Awards 2024 na ginanap sa  QCX …

GMA Gala PBB Gen 11

PBB at GMA Gala nagtapatan, sino ang nag-trending?

I-FLEXni Jun Nardo KATAPAT sa  streaming ng GMA Gala ay ang pagbubukas muli ng Bahay ni Kuya …

Barbie Forteza Herlene Budol Kyline Alcantara Kobe Paras

Barbie patakbong tinulungan si Herlene; Kyline nakaw-eksena sa kasamang escort 

I-FLEXni Jun Nardo HINANGAAN si Barbie Forteza na nakuhanang tumulong kay Herlene Budol nang mahulog ito sa isang bahagi …

Sophia Nadia Montenegro Baron Geisler

Baron wala pang pag-amin na anak si Sophia

HATAWANni Ed de Leon HINDI diretsahang inamin ni Baron Geisler na anak nga niya ang bunsong anak …

Isko Moreno

Isko Moreno llamado sa muling pagtakbo sa Maynila

HATAWANni Ed de Leon ANO tatakbo na naman si Isko Moreno bilang mayor ng Maynila sa 2025? …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *