Friday , June 13 2025
Vilma Santos
Vilma Santos

Ate Vi ‘di pa rin tiyak ang tatakbuhin sa 2022 election

HATAWAN
ni Ed de Leon

SA politika, maraming pagbabagong nangyayari hanggang sa last minute, kaya hindi dapat pangunahan kahit na sino kung ano nga ba ang kanilang papasukin lalo na sa eleksiyon.

Halimbawa na nga, kinukulit nila si Congresswoman Vilma Santos na magdeklarang tatakbong senador sa 2022, eh wala pa ngang desisyon iyong tao eh. Ang sinasabing sigurado, tatakbong congressman sa distrito si Senador Ralph dahil sagad na ang term niyon sa Senado. Mas effective naman si Sen. Ralph bilang law maker dahil sa kaalaman niya sa public administration at ekonomiya. Hindi siya tatakbong executive kahit na sa local government lang. Maliwanag na papalitan niya si Ate Vi sa lower house, pero hindi nangangahulugan iyon na tatakbo na ngang senador si Ate Vi. Ang latest, dalawang partido na ang humihimok sa kanyang tumakbong senador at may isa pang hinihimok siyang tumakbo para sa mas mataas na posisyon.

Iyong mga taga-Batangas naman dahil kinatatakutan nilang mawala ang atensiyon ni Ate Vi sa kanila, gusto naman siyang pabalikin sa LGU, na malabo rin dahil nanganga­hulugan iyon na may mga kapartido nila na maaagawan niya ng posisyon samantalang nabuo na nila noon pa ang One Batangas, wala na halos labang political diyan dahil gusto nila ay concentrated na lang sila sa paglilingkod na pambayan.

Hindi mo rin kasi masasabi eh, baka may isa silang kasama na gusting tumakbo rin sa isang national position, siguro pagbibigyan niya iyan at maaaring tumakbo na nga siya ulit sa pamahalaang lokal. Tandaan ninyo, sa Batangas ay unbeatable iyan. Tatlong terms na mayor. Tatlong terms na governor. At kahit na ang mga nakalaban niya noon na sinasabing pinakamalalakas sa Batangas, tinalo niyang lahat iyon. Kaya naman hirap na hirap siyang gumawa ng desisyon na iwan ang Batangas.

Maraming konsiderasyon na kailangang isipin sa isang eleksiyon, hindi lang iyong kung mananalo. Iyong panalo, kung ang pagbabatayan ay ang kanyang record sa serbisyo publiko at ang kanyang popularidad eh sasabihin mong panalo na iyan wala pang eleksiyon. Pero iyang pagkuha ng tiwala at boto ng bayan ay kalahati lang. Mayroong nananalo sa eleksiyon na natatalo sa bilangan. Maraming mabubuting tao na natatalo pa lalo na kung may makakalaban kang sa kampanya ay may dalang sako-sakong pera.

Bigyan pa natin ng panahong mag-isip si Ate Vi, tutal may isang buwan pa naman siya para makabuo ng desisyon. At saka mahirap ding magdeklara agad. Baka hindi pa man ay kung ano-ano nang paninira ang gawin ng mga paid troll.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Wilbert Tolentino TikTok Cleopatra Trend Imelda Papin

Wilbert, nag-viral sa Cleopatra trend; kamukha ni Imelda, damay si Joey

PUMALO na sa 33.6M ang views sa TikTok ng Cleopatra Trend ni KaFreshness Wilbert Tolentino. Hindi nga nagpahuli ang kontrobersiyal na …

Ayesha Zara Yasmien Kurdi

Yasmien masayang babalik na sa regular school ang anak na si Ayesha 

MATABILni John Fontanilla IBINALITA ni Yasmien Kurdi na back to regular schooling na ang kanyang anak na …

Formula 5

Kirby, Kier, Shone, Oliver, at Frank Lloyd ng Formula 5, nagpakitang gilas bilang bagong boy group

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Formula 5 ay isang bagong boy group na binubuo nina Kirby Bas, Kier, Shone …

Sylvia Sanchez Grandchild apo Arjo Atayde Maine Mendoza

Sylvia excited ipakita ang apo; Arjo-Maine ayaw pang magsama sa pelikula

RATED Rni Rommel Gonzales FIRST time lola si Sylvia Sanchez kay Sabino, unang anak nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo. Pero …

Song of the Fireflies

Song of the Fireflies mapapanood na sa mga sinehan

HARD TALKni Pilar Mateo SA June 25, 2025 na matutunghayan ang istorya ng world renowned Loboc …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *