Monday , November 29 2021
Vilma Santos thumbs up

Ate Vi dinudumog na ng mga produ

HATAWAN
ni Ed de Leon

MASYADONG busy na naman ang mga communication line ni Ate Vi (Congw. Vilma Santos) nitong mga nakaraang araw. Hindi mo maikakaila na napakaraming taong lumalapit sa kanya at humihingi ng pabor dahil kinikilala siyang isang maimpluwensiyang political figure, at malapit na ang eleksiyon. Kahit na maliwanag namang sinabi na nila kung sino ang susuportahan ng kanilang unified group na One Batangas, na kinikilala siyang leader, marami pa rin ang lumalapit na tumatakbo naman sa ibang national positions. Hindi natin maikakaila na isa sa mga probinsiya na may pinakamalaking bilang ng mga botante ang Batangas, at sino nga ba ang lalapitan mo kundi iyong unbeatable sa Batangas.

Marami ring tumatawag na nag-aalala, na baka raw may hindi magandang nararamdaman si Ate Vi, dahil hindi siya nakikita ng publiko sa mga political rally na inaasahan nilang naroroon siya. Wala naman pong sakit si Ate Vi. Malakas ang kanyang katawan. Naka-reverse isolation lang siya para sigurado nga namang hindi siya maaapektuhan ng Covid. Pambihira iyan eh, maski na sinaksakan ka na ng bakuna tatablan ka pa rin.

Pero nangingiti nga si Ate Vi sa pagsasabing sa ngayon ang mas maraming tumatawag sa kanya ay mga director, producers, at mga dating kasamahan sa showbusiness na ang tanong, kailan ba talaga siya magbabalik? Ngayon ay bubuksan na ang mga sinehan, at maganda lang ang chances ng isang pelikula, lalo na’t takot pang lumabas ang maraming tao at karamihan pa ay nagtitipid o walang trabaho. Kailangan nila ang isang artistang hindi matitiis na hindi mapanood ng mga tao, at isa nga riyan si Ate Vi.

Iyong ilang taong wala siyang ginawang pelikula, ang sinasabi ng mga observer, ay lalong nagpasabik sa publiko na mapanood siyang muli, kaya kung gagawa siya ng pelikula, tiyak dudumugin iyon sa mga sinehan. Dahil hindi rin naman siya agad makagagawa ng pelikula, baka oras na makagawa siya ng isa, medyo maluwag na rin ang safety protocols at mas marami na ang makapapasok sa mga sinehan.

Ang problema kahit na pinapayagan na ngang magbukas ang mga sinehan, marami pang theater owners na bantulot magbukas, dahil ang mga pelikulang ipinapasok sa kanila, puro low budget, ang artista ay puro starlet, at karamihan wala pang permit ng MTRCB dahil mahahalay nga.

Kaya ang tanong nila, ”kailan ba ninyo kami mabibigyan ng pelikula ni Vilma Santos. Eh kailan nga ba?”

About Ed de Leon

Check Also

Mother Lily Monteverde Erik Matti

Direk Erik iginiit, bioflick ni Mother Lily tuloy

I-FLEXni Jun Nardo TULOY pa rin ang paggawa ng bioflick ni Mother Lily Monteverde. Ito ang …

Isko Moreno Joven Tan

Yorme: The Isko Domagoso Story ‘di pang-election campaign

I-FLEXni Jun Nardo ITINANGGI ni presidentiable Manila Mayor Isko Moreno na ginawa ang pelikulang Yorme: The Isko Domagoso …

Mystery Man Gay

Ibini-build-up na matinee idol mas type maging impersonator

HATAWAN!ni Ed de Leon  “MANIWALA ka sa akin Tito, he’s gay,” sabi ng isang male star tungkol sa isang …

James Reid

James babalik ang kasikatan ‘pag nagpa-sexy

HATAWAN!ni Ed de Leon HOY mukhang bumalik na ang porma ni James Reid. Kung noong mga nakaraang buwan …

Heart Evangelista Sharon Cuneta

Sharon ‘di naka-score kay Heart

HATAWAN!ni Ed de Leon KALOKOHANG sabihin na dumapa ang serye ni Heart Evangelista dahil sa pagpasok ni Sharon …