Sunday , February 5 2023
Isko Moreno Vilma Santos Karen Davila Vico Sotto Ralph Recto
Isko Moreno Vilma Santos Karen Davila Vico Sotto Ralph Recto

Yorme kinampihan nina Ate Vi, Vico, Karen, at Sen. Ralph

HATAWAN
ni Ed de Leon

BUMUHOS ang suporta mula sa lehitimong media, sa mga kapwa niya artista, mga politiko at ang mga barangay kay Mayor Isko Moreno, nang sabihin ng presidente na may isang mayor na inalisan niya ng karapatang mamahala sa ayuda mula sa national government dahil disorganized daw, at dinugtungan pa ng, ”nakita ko sa Facebook iyong litrato niya, mayroon pang sinisilip ang ari. Iyan ba ang gusto ninyo?”

Unang nagsalita ang broadcaster na si Karen Davila na nagsabing unfair comment iyon kung ang tinutukoy nga ay si Yorme.

Sumunod naman si Governor John Vic Remulla na nagsabing si Yorme ay maganda ang ginagawa sa kanyang lunsod at hindi dapat basehan kung nagpa-sexy man siya noong araw, kundi kung ano ang nagawa niyon sa panahon ng kanyang panunungkulan.

Naglabas na rin ng statement si Sen. Ralph Recto na sa paniwala niya si Yorme ay may napakagandang Covid response. Nakapagpatayo siya ng isang malaking isolation center katabi ang isang drive in Covid vaccination center sa tabi niyon na naglilingkod hindi lamang sa taga- Maynila.

Si Ate Vi (Congw. Vilma Santos) rin naman ay nagpaliwanag na mayroon mang mga sexy picture si Isko, hindi siya gumawa ng mahahalay na pelikula.

“Ako mismo may mga sexy picture ako noong gawin ko iyong ‘Burlesk Queen,’ pero hindi mahalay ang pelikula at kinilala iyong isang film classic kahit na ng mga kritiko ng pelikula. Pareho sila niyong naka-damit na madre ako, ang ‘Sister Stella L.’ Wala namang pelikula si Yorme na naglabas ng private parts,” sabi ni Ate Vi.

Walang naging comment si Mayor Vico Sotto ng Pasig kundi, ”kung tatakbong presidente si Yorme Isko, ibibigay ko sa kanya ang suporta ko.”

Pinatunayan naman ng mga barangay na wala pa man ang tulong ng national government ay tuloy-tuloy na ang ayudang ipinaaabot ng Maynila sa lahat ng mga residente. Sabi nga ng aming barangay chairman na si Levi Miguel sa Barangay 812, ”ang utos ni

Yorme wala kaming pipiliin, mahirap o mayaman, malaki ang bahay o

squatter. At kahit hindi botante sa aming barangay, dapat may maiparating kaming food box na hindi naman basta-basta ang laman. Kaya kuha niya ang mga taumbayan.”

Kaya walang nangyari sa blind item, na maski naman sila ay hindi nasabi kung sino nga ang bina-blind item nila. Wala kasing naniwala eh.

About Ed de Leon

Check Also

Paolo Contis Mother

Paolo Contis grabe ang iyak nang banggitin ang wish sa ina

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAIYAK naman ako habang pinanonood ang one on one interview ni Boy …

Iza Calzado

Iza Calzado tigil muna sa social media

MATABILni John Fontanilla ITITIGIL muna ni Iza Calzado ang pagpo-post sa kanyang social media para makapag-pokus sa …

Connie Angeles Ading Fernando

Connie Angeles maraming natutunan sa yumaong Ading Fernando

MATABILni John Fontanilla NAGBALIK-TANAW ang aktres /host/public servant na si Ms Connie Angeles nang gawaran ito ng Ading …

Pokwang  Lee O’ Brien

Pokwang sa pagmo-move-on: Mamatay sila sa inggit

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang Instagram account, may nagtanong na netizen kay Pokwang kung paano maka-move on …

McCoy de Leon

McCoy de Leon binura lahat post sa Instagram

MA at PAni Rommel Placente MUKHA yatang magkakabalikan sina McCoy de Leon at Elisse Joson, huh. Binura na …

Leave a Reply