Saturday , July 27 2024
PASKUHAN SA MAYNILA isko moreno

Hikayat ni Yorme
“PASKUHAN SA MAYNILA” BISITAHIN

INAANYAYAHAN ni Manila Mayor at presidential aspirant Francisco “Isko Moreno” Domagoso at ni Vice Mayor Honey Lacuna ang publiko na bisitahin ang “‘Paskuhan sa Maynila”  na inilunsad sa Mehan Garden sa lungsod.

Ang Paskuhan sa Maynila ay matatagpuan malapit sa City Hall, ito ay isang buong buwan na aktibidad ngayong panahon ng kapaskuhan na binuksan nina Moreno at Lacuna makaraan ang pagtatapos ng “Manila EntrePinoy StrEAT Food Festival” noong 30 Nobyembre.           

Ayon kay Yorme, ang ‘Paskuhan’ ay nagsimula noong  1 Disyembre, may kakaibang handog tulad ng magagandang  lights and sounds shows at  bazaar nag gift items na itinitinda ng maraming exhibitors at sari-saring mga pagkain.

Kaugnay nito, pina­purihan ni Yorme ang naging punong tagapa­ngasiwa na sina Permits bureau chief Levi Facundo, Public employment service office (PESO) Fernan Bermejo at Tourism department chief Charlie Dungo sa nasa­bing proyekto kasabay ng anunsiyo na ang nagtapos na food festival ay kumita ng mahigit P2.7 milyon para sa small entrepreneurs na nakila­hok at maging sa kanilang staff na lumikha ng 200 trabaho mula 12-30 Nobymebre 2021.                               

Sinabi ni Moreno, iniulat ni Facundo, ang food festival ay naging patok sa mga grupo at pamilya na nagtutungo sa  Mehan bawat araw upang kumain ng mga panindang pagkain.

Nabatid na ang Paskuhan ay  bukas mula 4:00 pm hanggang 11:00 pm hanggang 1 Enero 2022 at magtatapos hanggang 10:15 pm. 

Paalala rin na sarado ito sa 24 Disyembre at 31 Disyembre.

Ang lahat ng participants sa “Paskuhan sa Maynila” ay fully vaccinated, may sapat na bilang ng mga pulis sa lugar para sa kaligtasan at seguridad, mayroong marshalls na mag-iikot upang magpa­alala sa mga bisita ng ipinatutupad na health protocols.

Inaanyayahan ni Moreno ang publiko na mag- enjoy sa mga special treats tulad ng daily performers, 15-minute light shows, apat na beses kada gabi, arcade,  TikTok booth at magkakaroon din ng games tulad ng shooting galleries at dart balloons.

Idinagdag ni Moreno, ang LOVE structure ay may makukulay na fountain at mayroong 70 retail stores na para sa shirts, dresses, toys, accessories, perfumery, souvenirs at powerhouse tools, bukod sa iba’t ibang uri ng native delicacies, Eng Bee Tin hopia varieties, grilling at shawarma station. Mayroon din Thai, Korean, Japanese, Vietnamese at Filipino dishes.

(BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Kate Hilary Tamani

Kate Hillary Tamani, nakopo ang maraming awards sa katatapos na WCOPA sa Tate

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-TALENTED pala ang batang si Kate Hillary Tamani. Sumungkit kasi siya …

Dolomite Beach Manila Bay Reclamation

Pagbaha sa Pasay hindi dahil sa reclamation sa Manila Bay — eksperto

TAHASANG pinasubalian ng isang eksperto na hindi reklamasyon sa Manila Bay ang direktang dahilan ng …

Pasay Baha Ulan Carina basura

Tone-toneladang basura sinisi ng LGU sa baradong  drainage system at baha

SINISI ng pamahalaang lungsod ng Pasay ang tambak-tambak na basurang nakabara sa mga daluyan ng …

BBM Bongbong Marcos Nicanor Briones

Kongresista desmayado  
SONA ni BBM walang binanggit sa anti-agri economic sabotage

NAKULANGAN si AGAP Partylist Rep. Nicanor Briones sa katatapos na ikatlong State of the Nation …

DOST kicks off Handa Pilipinas in Cebu to advance Visayas resilience

DOST kicks off Handa Pilipinas in Cebu to advance Visayas resilience

CEBU CITY, Philippines – The Visayas leg of the Department of Science and Technology’s (DOST) …