Monday , August 8 2022

Lolo, ginang, isa pa, nalambat sa buy bust

HULI ang tatlong tulak na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang lolo at ginang matapos matimbog sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Navotas City police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina George Co, 63 anyos, residente sa Tumana Brgy. North  Bay Boulevard South (NBBS) Dagat-Dagatan; Harold Adevoso, 50 anyos, ng Malabon City; at Jocelyn Adevoso, alyas Joy, 47 anyos, residente sa Mecauayan, Bulacan.

Ayon kay Col. Ollaging, dakong 1:05 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Luis Rufo, Jr., ng buy bust operation sa Mandaragat St., Tumana, Brgy. NBBS, Dagat-Dagatan, sa pamamagitan ng isang undercover police na nagawang makaiskor ng P500 halaga ng droga.

Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa police poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu, agad silang dinamba ng mga operatiba.

Nasamsam sa mga suspek ang halos 12 gramo ng hinihinalng shabu na may standard drug price P81,600.00, buy bust money, at P300 cash.

Nahaharap ang tatlong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

dead gun police

Kaanak ng suspek sa Ateneo shooting  itinumba

PINASLANG ang isa pang kaanak ng suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University na …

Bulacan Police PNP

3 wanted criminal nasakote, 6 astig na pasaway lumambot

ARESTADO ang tatlong indibidwal na pinaghahanap ng batas at anim na iba pa sa ikinasang …

PNP PRO3

23 sugarol timbog sa Central Luzon

SA PAGPAPATULOY ng PRO3 PNP sa kanilang hakbang laban sa illegal gambling, iniulat ni Regional …

Rice, Bigas

P20/kilong bigas nabibili sa Botolan, Zambales

NAKABIBILI na ng P20 kada kilo ng bigas ang mga residente sa bayan ng Botolan, …

Bustos Dam

Bustos Dam nagpakawala ng labis na tubig

DAHIL sa walang tigil na pag-ulan, nagpakawala ng 226 cubic meters ng tubig kada segundo …