ISANG eskandalo ang kinakaharap ngayon ng isang barangay chairman at ng kanyang kumareng barangay treasurer nang mag-viral ang kanilang Zoom ‘pandemic’ doggie-style sex position.
Ang dalawang barangay official ay kapwa mula sa Dasmariñas City, Cavite.
Kinilala si chairman na si alyas Bigote habang ang kanyang kaulayaw sa ‘doggie-style sex’ na kumare at tesorera ay tinawag sa alyas Celine Deon.
Sa ulat, nabatid na nitong 14 Agosto, nakatakang magkomperensiya ang 75 barangay chairmen sa nasabing lungsod sa pamamagitan ng Zoom Video Communications, Inc.
Hindi binanggit kung tapos na ang komperensiya pero nagulat ang mga kapulong ni Chairman Bigote nang bigla nilang mapanood na tila ‘isinusubo’ siya ng tesorera.
Pero mukhang hindi nakontento si Chairman kaya pinatayo si alyas Celine Deon para tumuwad ngunit napatingin sa camera kaya saglit na tumungo roon at tila ini-off.
Ngunit sa aktuwal na ‘doggie-style sex’ nina Chairman Bigote at tesorera Celine Deon muling nag-on ang Zoom at doon ay kitang-kitang ang ginagawa ng dalawang barangay officials.
Nag-viral ang nasabing Zoom video na ngayon ay binansagang “pandemic ‘doggie-style sex’ ni chairman at ni treasurer.
Nauna rito, isang mag-asawa sa Rio de Janeiro ang nahuling nagse-sex sa council video conference.
Isa umano sa participants ng Zoom meeting ay nalimutang i-off ang camera kaya napanood ang sex ng mag-asawa.
Ang nasabing Zoom conference ay pinamumunuan ng miyembro ng Socialism at Liberty Party na si Leonel Brizola, na ipinagpatuloy ang talakayan sa kabila ng sex scene na nakikita sa background ng Zoom.
Ang pagkakaiba ng dalawang insidente, sa Dasmariñas City sa Filipinas ay huli sa aktong naka-doggie-style ang hindi mag-asawang sina chairman at ang kanyang tesorera, habang husband and wife ang sa Rio de Janeiro.
Ang Zoom Video Communications, Inc., ay ilang beses nang nairereklamo dahil sa privacy and security issues.
(AMOR VIRATA)